All rights reserved.
This story is a work of fiction. Names,Characters,Places and events are products of the author's imagination. Any resemblances to actual events is entirely coincidental.
Copyright ©
+++++++++++++++++++++++++++
Minsan sa buhay hindi natin namamalayan na nakakasalamuha na natin ang mga taong nakatadhanang maging parte ng buhay natin. May mga taong nananatili upang maging bahagi ng buhay ng isang tao at meron rin namang mga taong umaalis. Pero kahit marami man ang dumating at umalis may Isang taong nakatadhana upang makasama habang buhay.
Gm. Love.love
QueenX" oy Hannah Reyes ano basa-basa na lang ng text? May trabaho pa kaya tayo diba? " nagulat naman ako kay Alyssa. Kahit kelan ang KJ.
" oo eto na magaayos na ko ng gamit " dahil sa nagrereklamo na ang aking butihing kaibigan nag-ayos na ako ng gamit para makaalis na kami at hindi malate sa susunod naming trabaho.
" Dalian mo nako, baka yung witch magwala na naman " napatawa naman ako sa sinabi niya. Witch talaga? Ang tinutukoy niya ay yung manager namin sa restaurant. Masungit kasi yun,konting pagkakamali papagalitan ka. matandang dalaga na kasi.
"Sira ulo ka talaga lys. Eto na tapos na ko tara"
Nagpaalam muna kami Kay Manager A bago umalis. Sumakay na kami ng jeep sa susunod naming trabaho.
Dalawa ang trabaho namin, sa umaga sa bookstore sa gabi sa restaurant. Sino ba ako? Ako lang naman ang bida sa story na 'to. Ang nagiisang Hannah Reyes.
Ilang taon na ko? 18 years old
Nagaaral ba ako? Hindi na dahil walang pambayad ng tuition.
Nasaan mga magulang ko? Wala na sila namatay na nung bata pa lang ako.
Nasaan ang mga kamag-anak ko? Hindi ko alam dahil simula ng mamatay ang mga magulang ko ni isa sa kanila walang tumulong o umampon sa akin. Galit ba ko sa kanila? Dati siguro oo pero ngayon tanggap ko na nawala silang pakialam sa akin.Di narin ako umaasa na hahanapin pa nila ako. Hindi ko alam kung paano ako nakaraos sa buhay ko.Ah! Dati isa akong palaboy na bata, namamalimos sa kalsada para makakain at mabuhay.... Pero sympre joke na yun muntikan lang kung hindi ako nakita ng Lola ni Alyssa sa kalsada na mataas ang lagnat.
" Oy! "
*Pak*
" Hutangina! Aray ko! " sigaw ko kay lys, napatingin ako sa mga nakatingin sa akin. Nasa jeep pa nga pala ako.
" Aray mo mukha mo. Halika na kanina pa nakastop 'tong jeep para sayo kaya bumaba kana. Ano ba kasi yang iniisip mo at nakatulala ka dyan?" Kaya pala ang sasama ng tingin sa akin ng mga tao. Haha sorry naman nageenjoy pa ko sa pagiintroduce sa sarili ko.
" Ano kwentuhan na lang tayo dito Miss? Bumaba na nga kayo! " bulyaw nung driver. Aba't..
" Eto na bababa na.. Sungit akala mo naman" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si lys at tinulak ko na pababa.
" Akala mo kung sino.Pwe! Baho ng jeep mo! " sigaw nitong si lys napailing na lang ako sa kanya.
Hindi ko na sinagot ang tanong ni Lys dumaretso na kami sa resto. Dumaretso agad kami sa locker room para magpalit na ng damit.
" mukhang wala si witch ah. Walang bumulyaw sa atin ngayon. "
" sinong witch ang tinutukoy mo Alyssa?! " Parang napako si Lys at tumingin sa akin. 'Paktay ako!' Sabi niya ng pabulong. Gusto kong tumawa pero baka...