Sapphire POV.
Natapos na yung reporting namin kanina and thanks God nadeliver naman namin ng maayos.
At, oo nga pala, bukas na yung prom night namin.
Hindi ko nga alam kung pupunta ba ko o hindi.
Medyo wala namang nangyari ngayong araw na to kasi karamihan ay busy sa pagpeprepare para sa prom night.
Kaya eto ako ngayon nagfefacebook.
Nakakabored eh wala akong magawa. Nung nagsawa ako gumala-gala ako sa campus then napadpad ako sa music room. Walang taon dun kaya pumasok ako.
Naisipan kong tumugtog ng gitara. I play the "You belong with me" by Taylor Swift.
Sinimulan ko ng istrum yung gitara then kumanta ako.
Nasakalagitnaan ako ng pagkanta nung may narinig akong nag"boo" kaya napatigil ako. Tiningnan ko kung sino pero wala namang tao.
Binalik ko na lang yung gitara at lumabas ng music room.
Elixer POV.
Habang naglalakad ako nadaanan ko yung music room then I heard a voice.
A sweet voice.
Sumilip ako para makita kung sino yung kumanta at nagulat ako coz it's Nerdy Girl.
I can't believe na magaling pala siyang kumanta. Wow!!
She's really interesting. I wanted to know her more.
"Boo!"
"Baliw ka tol. Huwag ka ngang manggulat." sigaw ko kay Asher.
"Ano bang tinitingnan mo diyan?"
"Ahh ehh... Wala... wala. Tara dali baka mahuli pa tayo. Tayo na naman manglilibre ng inumin nila." sabi ko.
Tumawa na lang siya at sumunod sakin.
Sapphire POV.
Nandito ako ngayon sa kama ko at pagulong-gulong. Iniisip ko kung pupunta ba ko sa prom o hindi?
Arggh! So I end up wearing a pink dress na spaghetti strap na sinamahan ko ng brown na tela. Masyado naman kasi tong revealing. Kita yung shoulders ko kaya ginamit ko yung tela pantakip. Then sinuot ko yung flat shoes ko na white.
Hindi ko na tinanggal yung glasses ko. Di kasi ako sanay eh.
Okay kaya tong suot ko?
Hay... bahala na nga.
Pagdating ko dun sa venue lahat ng tao nakatingin sakin. Nagbubulung-bulungan yung iba yung iba naman tumatawa.
And I feel so awkward.
"Ano ba naman yang suot niya parang siyang si Mona Lisa hahaha..." rinig kong sabi ng isa.
"Omg! What's she doing here? She look likes an old woman." maarteng sabi naman nung babae na makapal ang make-up.
Hindi ko namalayan napalibutan na pala ako ng mapanghusang mga mata.
Nagulat ako nung biglang may bumuhos na putik sakin mula sa itaas.
Ang kasunod nun ay balahibo ng manok.
"Oooohhh!" sigawan nila.
Yung iba tumatawa at yung iba naman kumukuha pa ng video.
Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa sinapit ko ngayon.
Kaya napaupo ako sa sahig habang umiiyak.
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.
Kahit ni isa, walang tumulong sakin.
Kahit ni isa, walang may nagbalak na lapitan ako.
Nakita ko na binigyan ng isang lalaki si Elixer ng paper plate na may lamang icing.
"Itapon na yan! Itapon na yan! Itapon na yan!" sigawan ng mga tao.
Tumingin ako kay Elixer na parang nagmamakaawa pero tinapon niya pa rin sa mukha ko.
Tawanan naman sila.
Umiyak na lamang ako.
Hindi ko na kaya! Ayoko na!
Tumayo ako at tumakbo palabas ng venue.
Hinding-hindi ko makakalimutan ng araw na to. Tandaan niyo to kasi maghihiganti ako!
Lalo na sayo Mr. Heartbreaker
BINABASA MO ANG
Revenge for Mr. Heartbreaker
RomanceSi Sapphire ay isang nerd na palaging nabubully ng mga kaklase niya but not just her classmates pati buong school ata kasama na dun si Elixer na super duper crush niya. Si Elixer ay ang campus hearthrob sa school nila and he is also known as Mr. Hea...