"Bad boy? 'Yan ba 'yong tagalog ng pig?" tanong ko kay Yumi. Kumunot ang noo niya. Hindi niya siguro na-gets 'yong joke ko dahil nag-'huh' pa siya.
"Ah, baboy pala 'yon, hindi bad boy."
--
Julie doesn't give a damn about bad boys. Ayaw niya sa ichura at mere existence ng mga bad boys. According sa kaniya, sila ang lowest of the lows. Sa dami ng mga dahilan kung bakit ayaw niya sa mga bad boys, hindi niya inexpect na mahuhulog siya sa isa.
--
Why Julie Hates Bad Boys:
I hate bad boys.
Hindi ko alam kung ano ang nakikita ng mga babae sa mga bad boys. Some girls visualize bad boys as prince charmings that wear black and have six pack abs. Tuwang tuwa sila sa mga gangsters at bad boys sa mga stories. Pero ang mga kilala ko lang na gangsters ay 'yong mga nag-iinuman sa kalye at humihiyaw kapag dumaraan ako. Like, duh, mukha silang walang patutunguan at parang hindi pa naliligo.
And bad boys have tendencies to hurt people, right? I am way too pretty to have my bones broken and my face bruised. Tsaka, palagi silang nakasigaw. Mukha silang mangangain ng tao.
Bad boys are so temperamental. Kaunting puna lang sa kanila, manununtok na. Just so you know, I am volatile, too. So pairing me with a bad boy is just plain wrong. Baka sumiklab ang World War III kapag nilagay ako sa isang puwesto kasama ang isang bad boy.
I'd rather go for a good boy. Good boys are nice. Good boys like Romi. 'Yong mga tipong tatayo para lamang may maupuan ka. Kung bad boy ang kasama ko, malamang ay hindi ako papaupuin dahil nga naman sila ang nauna. Sa ganda kong 'to, hindi pa rin ako papansinin.
And bad boys usually don't respect girls. Mukha silang manyak. Sabihin nga natin may abs sila. Pero bakit ka magpapahalay sa isang bad boy? Gano'n? Nakalunok lang ng isang kilo ng kalandian accidentally? Pakuluan kaya kita ng buhay?
Bad boys are jerks. Some jerks aren't bad boys but I am pretty much certain that all bad boys are jerks. Hindi sila marunong magseryoso sa mga bagay at they don't give a damn about others.
Plus, all bad boys have a bad family. Lahat sila may family problems. Either iniwan ng nanay or tatay tapos nagkaanak sa iba. Give me a break. Kung magkakagusto na lang din ako, ro'n na ako sa isang lalaking may maayos na pakikitungo sa pamilya.
See? I don't get the point of those girls na may gusto sa bad boy. Para lang sila sa mga babaeng mahihina. And of course, Juliet Cole ata 'to. Hindi ako mahina. Maganda ako at malakas. And I swear, I will never fall in love with a bad boy! But promises are meant to be broken, aren't they?
--
Author's Note:
AUTHOR'S NOTE:
FIRST AND FOREMOST, Julie is far from the author's character. Julie likes to stereotype. And she has this strong character that she isn't afraid to display. And she has the sweetest boyfriend aka Romay haha.
This story is originally posted in TalkingPanda. However, dito ko na lang siya itutuloy since mas magiging active na ako rito. I don't know.
Ps. The title is tentative. :)
BINABASA MO ANG
Infinite Possibilities
Jugendliteratur"May pitong bilyong tao sa mundo, bakit siya pa?" (( formerly known as 'bad boy romeo' ))