"Pstt... Pstttt!" nagsasagot ako ng requirement sa isang subject nang may kumalabit sa akin.
"Ano ba?" inis akong lumingon sa likod. "Ano'ng kailangan mo?" pabulong kong sabi sa nasa likod ko. Panira e, nage-MMK na kasi ako sa 'motto in life' sa requirement, tsaka ako kakalabitin.
"Ikaw! Hahahaha!" Tumawa siya nang parang baliw, pero mahina lang, kaya hindi napansin ng lahat.
"Tss. Hindi ako natutuwa! Ano ba kasi'ng kailangan mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Bolpen.." sumeryoso na siya.
"Eto oh. Langya ka, 'yan lang pala kailangan mo, ginulo mo pa 'ko!" pabulong ko pa ring sagot sa kanya, sabay abot sa kanya ng HBW kong ballpen. Natulala lang ako nang i-dismiss nya yung naka-abot kong kamay at umismid.
"Ayoko niyan." sabi niya. "Gusto ko, G-tech!" sagot niya sakin tsaka tumalikod at nanghiram sa iba.
Pagharap niya, nagulat siya kasi umuusok yung ilong ko sa harap niya. "Ballpen din naman 'to ah?" gigil kong tanong sa kanya.
"Hahahaha! Nagpapatawa ka ba? Ni hindi ko nga alam na sumusulat pala 'yan." mayabang na sagot niya at sinimulan ang pagsusulat sa index card.
"Kadami mong hanash, eh nanghihiram ka na nga lang ng ballpen. 'Di ka nga makabili ni isa, tapos magrereklamo ka pa sa HBW!?" inis na sagot ko. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot, pinass ko na agad sa prof ko at umalis na.
Nakaka-inis ang babaeng 'yon! Unang araw ko pa man din dito sa Ateneo, tas ganun pa maaabutan ko! Hays, kainis talaga, oo. Sana, hindi ko na siya makita pa! Nakakainis! Hoo! Ano ba'ng magagawa ko kung HBW nga lang ang kaya kong i-provide? Scholar lang naman ako e. Teka, ang dami ko nang hanash dito pero di niyo pa naman ako kilala. Ako pala si Jhoana Louisse Maraguinot, from De La Salle Lipa.
***
"Hoy hoy! Hahahaha!" may kumalabit nanaman sa akin mula sa likuran.
Nako, parang kilala ko na 'to ah.
Relaks lang, Jho. *Inhale exhale*
"OH?! Ano nanaman?" medyo napasigaw ako, pero wapakels, nasa secret garden naman kami ngayon e. Secret, pero madaming may alam. Parang yung kagandahan ko lang, secret, pero maraming may alam! Hahahaha!
"Gusto mo, bilhan kita ng G-tech?" Ngingisi-ngising tanong niya sa akin.
"Hindi na, baka pabayaran mo pa." nakairap kong sagot.
"Yuck, that's for mahirap only, and I'm not, okay?" nakangiwing sagot niya, tsaka nilabas yung iPhone niya. Wow, yun ata yung bagong release ng Apple? Hala, first ko makakita niyan sa personal!
**^0^**
"Picture tayo, hehe." Aangal pa sana ako kaso na-take na niya. Aish, ang pangit ko dyaaannn!!! "Ay, first time mo ba makapag-picture sa iPhone?" nang-aasar niyang tanong.
"Hinde! Namamangha lang ako kasi may pambili ka ng iPhone, pero wala kang pambili ng bolpeeeen!!!!" gigil kong sigaw sa kanya.
Umalis na ako agad hanggang nakakapagpigil pa ako.
Tss, kainis na batang 'yon. Makauwi na nga, kailangan ko pang magtrabaho sa carinderia namin.
Ano nga palang pangalan ng bubwit na 'yon? Nakakainis e, ipa-albularyo ko sana, baka sinapian lang. Aish! Waaah!
***
BEATRIZ.
'"Kadami mong hanash, eh nanghihiram ka na nga lang ng ballpen. 'Di ka nga makabili ni isa, tapos magrereklamo ka pa sa HBW!?"'
Natatawa talaga 'ko kapag naaalala ko 'yang line niya. Hahaha, nakakaloko pero kakaiba ang isang 'yon. Hala, na-love at first sight 'ata ako. Hahahaha! Charot lang. Matagal naman na kitang kilala, Jhoana eh.
Bumuntong hininga ako at inilabas ang box na punong-puno ng mga alaala.
*tok tok tok tok*
"Isabel, bumaba ka na't nakahanda na ang hapunan!" sigaw ni Yaya Puring mula sa labas ng pintuan ko.
"Opo, susunod na po ako." sagot ko at nagmadaling itago ang box na inilabas ko. Napabuntong hininga na lang ako.
Kung hindi ba kita tinaguan noon, hindi ka maaaksidente? Eh di sana pala kilala mo pa ako, Jho.
YOU ARE READING
I WATCHED HER FALL FOR SOMEONE ELSE (Jhobea & Jibea Fanfic)
FanfictionMay ikaw at ako, pero walang TAYO.