*Star’s POV*
I’m on my way to a special place for me and HIM. Ito ung lugar kung san nagsimula lahat. Yung ‘kami’. Today is our 3 year anniversary. 4th year college na kami. Civil engineering course niya at ako naman financial management. He’s a few months older than me. And as every relationship is nagkakaroon din kami ng misunderstanding. Nagaaway, nagiiyakan, napapagod, minsan nga muntik nang umabot sa break up eh pero kinaya naman. Nalagpasan din namin. Hindi ko alam kung ano plano niya ang sabi lang e pumunta dito sa lugar na to. Pero mukha naming walang tao.
“Kuya, may tao po ba sa loob?” I asked the guard.
“Ikaw ba si Star?” Sabi naman nung guard. Nice diba, sinagot niya yung tanong ko -___-
“Oho. Bakit?” Tanong ko ulet.
“Ah, sige iha pumasok ka na.” Sabi niya. And I did what I was told. Pumasok ako.
Pag pasok ko naka dim yung lights. Then I heard a familiar song. “Ako’y sayo at ika’y akin lamang” Then on stage I saw HIM. He started talking. Nag tthrowback siya ng memories namin. Yung mga favorite niya. Tas sa likod niya may screen, nagfflash dun ung pictures namin together. Kasi may usapan kami na everytime na magkasama kami we’ll take pictures, for memories to treasure. After all that, he sang. Oo, hindi maganda yung boses niya. Minsan nasisintunado pa siya pero kahit na ganun gustong gusto kong kinakantahan niya ko.
“Para kang asukal. Sin tamis mong magmahal.” Naaalala ko bawat paglalambing niya.
“Para kang pintura. Buhay ko ikaw ang nagpinta.” Sumaya ulet ako nung nakilala ko siya.
“Para kang unan. Pinapainit mo ang aking tiyan.” Sa bawat tingin niya natutunaw padin ako.
“Para kang kumot. Na yumayakap sa t’wing ako’y nalulungkot.” I love his warm hugs.
“Kaya’t wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala.” I never wanna lose this guy.
“Kundiman, tayo hanggang dulo’y wag mong kalimutan. Nandito lang ako laging umaalalay hindi ako lalayo. Dahil ang tanging panalangin ko.” He looked at me and smiled.
“Ay ikaw.” I love him. I really do.