pasahero

26 1 0
                                    

May mga pagkakataong natulala tayo ng walang dahilan ngunit nagliliwaliw na ang ating isipan. In short nagkakaroon na tayo ng matinding imagination sa mga bagay-bagay. Gaya ko kanina, ako ang naunang pasahero sa jeep. Eh sa wala akong magawa gumana ulit ang utak ko. Habang may mga pasaherong sumasakay aking napagtanto kung bakit iba iba ang gustong pwesto ng mga pasahero. Syempre ako ang nauna kaya nasa unahan ako malapit sa bungad. May mga taong gusto ay nasa gitna o nasa dulo naman. Naisip ko lang, sa bawat puwesto may kaakibat na trabaho maaaring ito ay advantage o disadvantage bahala ka nalang kung alin sa dalawa. 'Pag sa unahan ng jeep malapit sa bungad syempre ang role mo ay tulungang ipanhik ang mga bagay na di kayang buhatin papasok ng isang pasahero (kung may sense of concern ka). Kapag nasa gitna naman siyempre feeling kundoktor kaw halos ang abutan ng pamasahe. Tapos 'pag may nahulog na barya no choice 'kaw na din ang pupulot haha. Kapag malapit ka sa drayber xempre dakilang taga-abot ka ng pamasahe sa kanya. Ang loob din ng jeep ay maihahalintulad sa isang maliit na komunidad. Magkakakilala halos ang mga tao. Dito ko rin makikita ang iba't ibang personalidad. Nakakasalamuha mo ang ika nga nila "all walks of life" lalaki, babae, bata, matanda, bakla, tomboy, nanay, tatay, at kung sinu-sino pa. At ang nakakatawa pa ang mga tsismosa. Timing pa na magkaupo. Hindi nawawalan ng salita. Sa kanila na siguro ang center of attarction kaya napapailing na lang ako. Sa kasamaang palad habang pinagmamasdan ko ang bawat galaw at salita ng mga pasahero. Nakupo! langhap ko na siguro lahat ang matim na usok ng tambutso. Akala siguro ng katabi ko mabaho siya kasi nakatakip ng panyo ang ilong ko. Haha conscious tuloy ang tao. May mga pagkakataon ding nagpapakiramdaman ang mga magkakakilala kung sino sa kanila ang mamamasahe. Naranasan ko rin 'yan hehe. Xempre naman pano kung sapat lang ang pera mo para sa pamasahe hindi ba. Sa loob ng jeep mapapatunayan na "Life really is a matter of choice". Naitadhana na sa bawat pwesto, sa bawat tao, sa bawat gawain, sa bawat salita kailangan pa rin ang sariling pagpapasya na sa huli maari mong itong ipagkapuri o habang buhay kag magsisisi. :-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

pasaheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon