01

24 2 2
                                        

Magaling si Kit umarte. Kaya niyang ngumiti na hindi mukhang pilit o umiire na parang nangaganak. Kaya nuya ring umiyak kung gugustuhin niya at magkunwari na parang walang nangyari matapos umiyak. Magaling siyang umarte kaya siya nagkaroon ng career dahil dito.

Shete. Nagugutom na ako.

Hindi napansin ni Kit na nakalimutan niyang kumain sa kakangiti para sa mga fans at umarte na parang matalik na kaibigan niya ang kanyang co-star na si Ming. 

Habang nakatalikod siya sa mga fans, tinignan niya ng masama ang kanyang best friend na si Beam. Siya lamang ang ka-close niya mula noong siyam na taong gluang pa sila. Walang kamalay-malay si Beam sa kanyang pagkagutom at patuloy sa pakikihalubilo sa mga miyembro ng production team ng serye.

Lumingon pabalik si Kit sa kanyang mga fans na patuloy na kinikilig at pinagkakatuwaan siya kasama ni Ming. Nakalimutan niya na kahit natapos na ang event, kailangan niya pa ring  mag-stay para sa mga fans na dumalo para sa kanya. 

Inilagay ni Ming ang kanyang braso sa ibabaw ng kanyang balikat at hinila siya papalapit. Nagsigawan sa tuwa ang kanilang fans. Halos mabulag ang dalawang aktor sa silaw ng mga camera na patuloy sa pagkuha ng kanilang mga litrato. Dapat sanay na si Kit sa kanyang trabaho pero kahit ngayon, hindi pa rin talaga. 

Gusto na talagang tanggalin ang braso na nakapatong sa kanyang balikat. Kung pwedeng ihagis si Ming palayo, ginawa na siguro niya iyon. Sa lahat ng pinakaayaw niya ay ang mga taong bigla na lamang humahawak sa kanya. Pero kahit inis na siya, nanatili pa rin ang ngiti sa kanyang labi at hinawak niya pa ang pisngi ng aktor. Tuwang-tuwa ang kanilang mga fans sa ginawa niya. Mukha talagang matalik na magkaibigan ang dalawa.

Base sa reaksyon ng mga fans at dami nila sa event, nararamdaman na ni Kit na mukhang sa mga susunod na buwan, lagi niyang makakasama si Ming. Ganyan talaga ang show business. Basta pwede pang pagkaperahan, gagamitin ng gagamitin hanggang sa hindi na pwede.

Napakatagal ng after event nina Ming at Kit. Pawang isang buong araw na silang nakikihalobilo sa mga fans kahit wala pang tatlumpung minuto pa lamang ang nakakalipas. Sa wakas, tinapos na ng kanilang mga manager ang unofficial event. Lumalalim na rin ang gabi at halata na sa mga mukha ng mga aktor ang pagod.

Parang hinigop ang buong lakas ni Kit sa kakangiti at fanservice an ginawa niya. Nakaramdam lang siya ng saya nang marinig niya na sa wakas! makakauwi na siya. Akala niya simula noon alaw ng problemang mangyayari, pero nagdala ng di magandang balita ngna kanyang manager at kaibigan na si Beam. Sumama kagad ang mood ni Kit nang makita niya ang nakapintang emosyon sa kanyang kaibigan.

"Anong nangyari?"

Napakamot ng leeg si Beam.  "May emergency daw. Nagpatawag ng emergency ang management. Kaya mo bang umuwi mag-isa?"

"Meeting sa oras na to?" Ika-pito na ng gabi noon.

Walang magawa si Beam. Isa lamang siyang manager. Hindi niya kontrolado ang mga desisyon ng management maliban kung tungkol ito aat kanyang matalik na kaibigan.

"Hindi kasi nila masabi nag mga detalye as telepono kaya kailangan kong pumunta sa opisina."

Napapikit ng mata si Kit at kinurot ang buto as gitna ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya tumataas ang kanyang presyon dahil sa sinabi ni Beam. Ayaw na ayaw pa naman niyang umuuwi mag-isa. Masyado na kasi siyang nasanay na kasama ang kanyang kaibigan. Halos kalahati ng kanilang edad ang tagal ng kanilang pinagsamahan. 

Huminga siya ng malalim para hindi siya makagawa ng mapagsisisihan niya. Hindi naman kasi ito kasalanan ni Beam. Kung gusto niyang magalit, dapat niya itong ibaling sa management pero wala naman ito madudulot na mabuti.

"Sige. I-message mo na lang ako pagkauwi mo pero baka natutulog na ko ng oras na iyon." Nagbuntong hininga si Kit.

"Sabihin ko na lang ang mga detalye bukas?"

"Sige" Pinilit ni Kit ngumiti kahit wala siya sa mood.

Hindi nakalimutan ni Beam ang kanyang responsibilidad bilang isang manager at tumawag ng taxi para sa kanyang kaibigan. Plano talaga ni Kit na dumiretso na umuwi pero bigla na lang siyang natakam maghanap ng mapait na inumin.

"Kailangan ko ng maiinom."

---------

ciao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FANBOYS | Filipino ver. [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon