The Next day pumasok akong naka simangot di ko pa rin kasi makalimutan yung nangyari kahapon. Lesson Learn: wag makinig sa usapan ng may usapan para di masaktan.
"Pang biyernes santo mukha ngayon ah? Hahaha"
Di ko siya pinansin. Bahala siya diyan. Umupo na agad ako sa Upuan ko. Matutulog na sana ako ng may mapansin akong sulat sa Arm Chair ko.
Sungit naman! Halikan kita diyan eh ^__^
Gago to! Kahapon pa ako naiinis dito ah. Sino kaya to? Kapal ng mukha sing kapal ng kilay ng idol ko.
"Uy bess iba na yan ah hahahaha, conversation through Arm Chair ayiieee"
"Che!"
"Uso pa pala yan ngayon hahaha"
"Isa pa! Uupakan na talaga kita"
"Chill lang. Teka lalaki pala yang nag rereply diyan?"
"Halata naman diba? Tsk"
"Sungit palibhasa broken hearted hahaha"
Akmang itataas ko na sana yung kamao ng nagsalita ulit siya.
"Chill lang bess, ito na titigil na"
Tsk. Binasa ko ulit reply niya at sumulat ako don.
Kapal mong gago ka! Si mark lang dapat maging First Kiss ko
"Ayiiieee, sino yan yanna?"
"Uy ikaw pala Gab"
Si Gabriel isa sa barkada ni Mark.
"Parang may dumadamoves na sayo ah"
"Sira! Wala ah. Di ko nga kilala to eh"
"Sus. Sagutin mo na hahaha"
"Ay nako gab, hinihintay niya kasi si Mark na manligaw hahaha"
"Tsk. Di ko na siya hihintayin. Mukhang may GF na siya eh"
"Huh?"
"Tignan niyo yun oh"
Tinuro ko kung saan sina Mark at Aubrey. Matagal ng may gusto si Aubrey kay Mark, halos lahat ng student dito sa campus alam yun. Ang saya nila oh. Sinusubuan pa ni Aubrey si Mark, habang si Mark naman tawa ng tawa. Buti pa sila. Sana ako nalang si Aubrey :(
"Hahahahaha"
"Kung tatawanan mo lang naman ako, mabuti pang umalis ka nalang sa harap ko Gabriel bago pa kita upakan diyan"
"Chill lang, ikaw kasi eh ayaw mo pang umamin kay Mark naunahan ka tuloy"
"Kahit matapang ako, may hiya pa din naman akong naka tago sa katawan ko"
"Ay talaga bess? Hahaha"
"Isa ka pa! Magsama nga kayo! "
Aalis na sana ako ng hablutin ni Gab yung braso ko, kaya naman napa upo ulit ako
"Tara tambay tayo sa canteen libre ko ^__^"
"May klase pa tayo uy"
"Tsk. Di mo pa narinig yung announcement?"
"Anong announcement? "
"Wala daw pasok ngayon"
"Edi mabuti. Uuwi nalang ako"
"Bess wag ka ng mag pakipot sayang din yung libre ni gab"
"Tsk. Cge na nga pero saglit lang tayo ah"
"Yes!"
Hila hila nila ako papunta sa canteen. Si Gab na din nag order total libre namn niya eh.
"Tagal naman ni Gab"
Oo nga. Bat ba ang tagal nung lalaking yun? Di naman ganun ka taas ang pila para magtagal siya.
"Hey guys sorry napatagal ako. Si Mark kasi eh daming arte"
0__0 mark daw?
Tumingin ako sa gawi ni Gab at oo nga andito si Mark *__* si mark na crush koooo
"Hmm ladies pwede bang maki upo?"
"Hin--"
"Oo naman Mark walang problema. Tumabi ka nalang kay Yanna total wala naman siyang katabi at magkatabi na rin naman kami ni Gab ^__^"
Putek tong babaeng to! Nananadya ba siya? Tsk
"Hmm okay lang ba Miss Yanna?"
Nag nod nalang ako bilang pag sang ayon. Di ko nga matignan mata niya eh, ewan ko ba! Parang ako pa yung nahihiya eh tsk.
Nag simula na kaming kumain. Silang tatlo lang yung nagdaldalan. Minsan tinanong nila ako, pero puro tango lang ang sagot ko .
"Mark crush ka daw ni Yanna, diba yanna"
"Oo"
0__0
"I mean Hindi. Ikaw talaga babae ka ang daldal mo"
"So hindi mo ko crush?"
"Hindi"
Hala sege deny pa yanna >__<
"Sure ka?"
"Oo nga kulit eh"
"Okay sabi mo eh ^__^"
Wag ka ngang ngumiti! Halikan kita diyan eh hahaha
"Miss Yanna may boyfriend ka ba?"
"Ikaw"
0___0
"Ako?"
"Ahh I mean Ikaw, may girlfriend ka ba?"
Pahamak talaga tong dila ko eh >___<
"Wala ^__^ pero malapit na maging kami"
Ouch </3 sino kaya yung girl? Swerte naman
"Who's the Lucky Girl Mark, kilala ba namin?"
"Yes , Kilala niyo siya ^__^"
Sege lang , ngumiti ka lang! Ipamukha mo sakin na masaya ka sa babae mo </3
___________________________________