First Chapter: The Coincidence

20 1 0
                                    

                 Isang Magandang araw, mga humuhuning ibon, Fresh Air atbp. Eto ang bumulaga nang nagising si Brenda.

13 years old at 1st year high school na sa pasukan. Masipag na bata si Brenda. Isang utos lang ng Magulang, Sumusunod siya. Sa buhay niya, walang utos na di niya sinunod. Maglaba, Maghugas ng Pinggan, Magwalis ng sahig atbp. Kaya nga pinagkakatiwalaan siya ng kanyang magulang.

" One week na lang pasukan na at HighSchool na ako.. !!" sabi ni Brenda sa sarili. Napaisip-isip ni Brenda na bumili ng mga school supplies para sa paparating na pasukan.

Humingi siya ng pera sa kanyang nanay at sinabing bibili siya ng school supplies para sa kanya.Sabi naman ng nanay " oh sige eto oh, bilhan mo na rin yung kapatid mo". Kinuha ni Brenda ang pera at sumangayon sa utos ng ina.

                 Maya maya'y dumeretso siya sa palengke. Pumunta sa stall ng school supplies at bumili ng gamit. Pagkatapos ay binitbit na ang mga bilihin, sa sobrang dami ay nahihirapan na siyang maglakad.

 Ilang saglit ay may lalaking binatilyo na tumakbo. Sa sobrang bilis ay nabannga nito si Brenda. Kumalat ang mga dala niya sa sahig at eto namng lalaking binatilyo ay napadapa.

" Ano ba?? paharang harang ka sa daan..!! " pagalit at pasigaw niyang sinabi kay brenda." Eh ikaw tong tumatakbo ng mabiis at nakita mo namang may tao diba.. Ba't di ka Nagexcuse??" dahilan naman ni Brenda.

Pagkatapos biglang umalis ang lalaking binatilyo at di tinulungan si Brenda na ayusin ang mga gamit na nakalat.

          Nairita ng sobra sobra si Brenda. Niligpit niya na lang ang gamit na nakalat pero may tumulong nman sa kanya sa palengke. Pagkatapos, umuwi siya ng bahay niya, Grabe ang tagatak ng pawis niya, halos mag alala na ang kanyang ina.

Dahil sa sobrang pag-alala ng kanyang ina eh napatanong ang ina nito sa kanya kung anong nangyari.

" Nakakainis kanina nay, pano ba naman yung lalaking binatilyo na grabe ang harurot sa pagtakbo, binangga ako tapos sipa nagalit tapos ang matindi pa, di niya koa tinulungan sa pagligpit. Arghhh.. !!" nakakainis Sagot nman ni Brenda. 

                      " Wag mo nang pansinin yon.. Ganun talaga mga tao ngayon, walang pakialam" sabi naman ng nanay. Pinalipas na lang ni Brenda ang galit niya.

Ilang araw ang lumipas at pasukan na ni Brenda. Hinanda nito ang Unipormeng susuotin habang ang nanay ay hinanda naman ang pagkaing kakainin sa umagahan at ang baon.

Handa na si Brenda sa Pasukan kaya dumeretso sa Filhan National High School. Sakto, Pagpasok niya ay may nakita siyang Grupo ng mga lalaki.

Ang gagwapo ta mukhang mayaman. Ngumiti siya pero nabasag ang ngiti ni Brenda ng mamukhaan niya ang nasa gitnang lalaki. " Parang siya yung bumangga sa akin ahh.. huh.. mapuntahan nga.." sabi niya sa sarili niya.     

                       Pinuntahan niya ito pero naharangan siya ng mga babaeng umaagilid sa grupo. pero hindi naging hadlang kay Brenda yon. Pinatabi niya ang mga ito at dumeretso sa lalaki.

Tumakbo siya pero ng malapit na siya eh nadali siya ng saging sa sahig. Muntik nang masubsob ang mukha niya pero umalalay ang lalaking sinasabi niyang bumangga sa kanya. " Mag ingat ka sa susunod, Pwede?? " tanong naman ng lalaki. Biglang tumayo si Brenda.

" Mag ingat?? ehh ano ngayon.. Ikaw tong bumangga sa akin diba tapos di ka pa nagsorry tapos tatanungin mo lang ako na magingat??" pagalit at pasigaw na sinabi ni Brenda.

Narinig ng lahat ang sinabi ng Brenda. Maya Maya'y nilagpasan lang ng Grupo si Brenda. Lalong nairita si Brenda kaya napasigaw siya ulit.

" ambabaho niyo.. Mga lampa lalo ka ng sa gitna. Akala mo ikinagwapo mo yan. Eto lang sasabihinko sayo.. Yang ugali mo ang ikinapangit mo. Wag kang umasta ng ganyan."

                 Biglang tumigil sa paglalakad Ang grupo. Lumapit ang lalaking binatilyo na nasa gitna at lumapit kay Brenda.

"Tapos ka na ?? " Tanong ng lalaki. unting unting lumalapit ang mukha ng lalaki sa mukha ni brenda at sinabi, " kung tapos ka na.. tigilan mo yang ginagawa mo at pumasok ka na lang sa kuwarto mo."

Biglang umalis ang lalaki kasama ang Grupo. Nang umalis ang grupo ay nadama na ni Brenda ang kahihiyan.

Nanigas ang katawan nito na para bang di na makakilos. Maya maya'y pumasok na siya sa Kuwarto niya. Laking gulat niya ang nakita niya sa loob nito. Pagpunta niya sa kanyang Arm Chair ay may nakita siyang letter. Nang mabasa niya ito ay nagulat siya sa kanyang nakita.

Abangan:

Ano kaya ang nabasa ni Brenda..?? Makabubuti ba ito o Makakasama sa kanya. Abangan na lang sa Chapter 2.. ^_^ Pa comment na lang po below yung Reactions niyo. please.. No bash comments.. Respect na lang po....:) Thanks at Pa follow na lang rin po.. :)

Truth or Dare..??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon