MAUR
Fiaxinne's POV:
Hi everyone, ako nga pala si Fiaxinne Franklins. Just call me Fia if you want. I'm 16 years old, a grade 10 student, studying at Lucifer's University. Nice to meet you.
-Habang naglalakad ako ngayon sa hallway, may madadaan akong mga estudyante na kumukumusta sa'kin ng 'good morning' o 'hi' ba, at sa pagiging pagmamagandang loob, bina-bati ko rin sila.
Bahagya akong napahinto nang may nadinig akong mga mabilisang mba yapak sa sinumang mga sapatos iyon.
"Fia!" Dinig 'kong sambit ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap kung sino man 'yun.
"Fia!" Hingal na sambit niya naman nang makarating na siya sa'kin, humawak siya saaking magkabilang balikat para suportahan ang kanyang hinihingal at pagod na katawan.
"O? Ba't hingal na hingal ka, Orietta?" Takang tanong ko, sumilip pa ako sa likod niya kung may sumusunod ba sa kanya, pero wala naman.
"M-may... bagong... e-estudyante--"
"What?!" Gulat na putol ko sa hinihingal na si Orietta. Mahina siyang tumango.
"Magaganap na naman..." Bakas na lungkot ang kaniyang boses. Ako rin ay nalulungkot. Magaganap na naman.
-
Lumalakad kami ngayon patungo sa principal's office para maabutan namin yung bagong mag-aaral.
"Sa porma niya, mukhang mahina siya e. Parang 'di siya makabasag ng plato man lang. Sa tingin mo ba'y... makaka-takas siya dito?" Tanong ni Orietta sa'kin at yinogyog ko nalang yung mga balikat ko.
"Hindi ko alam, Orietta. Pero, magtiwala muna tayo na naligaw lang 'ata siya o ano ba..." bakas sa pag-alala ang aking boses.
Nang katapat na namin ang pintuan ng principal's office, naglabas muna kami ng isang buntog hininga bago binuksan ang pinto.
Binungad kami ng isang malaking kuarto, para itong five star hotel nang dahil sa disenyo neto. Sa pagpasok mo lang, masisinghap mo na ang malamig na simoy ng hangin galing sa aircon.
Isinara namin yung pinto tapos sabay kaming yumuko ni Orietta, nagpapakita ng respeto. At nung tumuwid na yung tayo namin, nakita ko ang principal namin na malawak na nakangiti sa aming dalawa at isang babaeng naka-upo sa gilid. 'Di namin mai-larawan ang kaniyang mukha kasi nakatitig lang lamang ito kay principal.
"Does my dearest trustable students need anything?" Nakangiting tanong ni Principal. Santiago, sa'min. Naiilang kami at nagkatinginan sa isa't-isa dahil wala kaming alibi habang padating pa kami.
"K-kasi ho, na curious lang ho kami sa bagong mag-aaral dito sa school na'to... s-siya ho ba?" Tanong ni Orietta sabay turo sa dalaga.
"Oo, siya nga. Bakit? Magkakilala ba kayo?" Tanong ni Principal sa'min. 'Di parin tumingin sa'min yung dalaga.
"A-ah! H-hindi ho. Uhm... pasensya na ho kung naistorbo ho namin kayo." Utal na pagtangggi ni Orietta at yumuko kaming dalawa at tumalikod. Akmang bubuksan namin yung pinto nang...
"Sandali." Tigil ng principal sa'min.
"Po?" Ngayon, ako naman yung nagsasalita at hinarap ang principal namin. Puro utal kasi 'tong si Orietta e. Nakaka-irita.
YOU ARE READING
My Bestfriend Got A Secret?
Mystery / ThrillerHi, my name is Fiaxinne Franklins. My close friends call me Fia. I am currently studying at Lucifer's University. I know the name of the school is weird but, you'll know about that soon. This story is about a girl, who eventually turned into a bestf...