Vixen POV
"VIXEN KYU DAWN!! GUMISING KANA!!!"
Ano bayan?! Ang ingay!
"Talagang di ka gigising? Eh kung buhusan kita ng isang baldeng tubig diyan?!"
Kaya naman ay agad ako napabalikwas at umupo ng maayos
"Kuya naman ehhh" nayayamot kong sabi
"Wag kang mag inarte diyan! Bakit ba kasi wattpad ka ng wattpad kaya hating gabi kana natutulog?!" Sigaw niya sa akin
"Ehh ang ganda ng mga story tapos ang gagwapo pa ng mga fictional characters" Sagot ko
"Tss mas gwapo pa ako dun" Mayabang na sabi ni kuya
"Kapal ah" bulong ko
"Anong binubulong-bulong mo diyan?!" Sigaw ulit sa akin ni kuya
Di ba titigil toh sa kakasigaw
"Wala kuya, Ang sabi ang gwapo mo" Paglalambing ko sa kanya
"Heh! Tigilan mo nga ako! Magayos kana at malelate kana sa school mo!" Sabi niya sa akin at lumabas na ng kwarto ko
Tsk
Nga pala ako si Vixen Kyu Dawn 18 yr old at grade 12 na ako
Tsk bakit ba kasi nauso ang k to 12 edi sana Collage na ako ngayon
Wala na akong magulang si Kuya Vencer nalang ang natitira kong pamilyaSi Kuya Vencer Kean Dawn yung lalaking parang babae kung magbunganga tapos ang hilig mang asar pero pikonin naman
"Hoy! Vixen ano yang mga pinasasabi mo?" Laging panira moment toh si kuya
"Bakit nandito ka nanaman sa kwarto ko?" tanong ko
"Kala ko kasi bumalik ka nanaman sa pagtulog mo" sabi niya habang kinakalikot ang bag ko na nakalagay sa may upuan
"Wag mo ngang kalikutin ang bag ko! Lumabas kana nga kuya!" Inis na sabi ko sa kanya tsaka hinila ko ang bag ko sa kanya tapos tinulak palabas na kwarto
Tss epal talaga ang isang yun
"Bilisan mo! Wag kanang magdaldal diyan!" Sigaw niya galing sa baba
"Heh! Epal ka kuya!" Balik na sigaw ko naman sa kanya
Ginawa ko na ang mga morning rituals ko
Naligo............
Nagbihis..............
Nagtoothbrush.........
Pagkatapos kong mag toothbrush ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na papuntang sala
Pagdating ko doon ay nakita ko si kuya nagbabasa ng libro
Kahit ganyan yan si kuya ay matalino yan......Hilig ni kuya ang magbasa ng libro
"Kuya anong pagkain?" tanong ko
"Tuyo" simpleng sagot ni kuya
Tuyo?! Seriously?! Kakasahod niya lang kahapon ahh
"Eh? Seryoso ka?!" gulat na tanong ko
"Hehe Joke lang" nakangisi niya sabi
"Abnormal talaga toh" mahinang bulong ko
"May sinasabi ka?" tanong niya sa akin
"Wala" agad na sagot ko
"Oh ayan kumain kana at bilisan mo" sabi ni kuya sa akin at naglagay ng pagkain sa harap ko

YOU ARE READING
Wattpad World
FantasySiya ay nabigyan ng isang misyon Na di niya inaakala Akala niya ay magiging madali lang iyon pero bakit parang nahihirapan na siya? Kailangan niyang pigilan ang isang pangyayari sa isang tao Makakaya niya kaya ang Misyon na iyon o isusuko niya nala...