'Too near yet so far.' Mga katagang tanging naglalayag sa aking isipan Simula pa kanina. Kahapon? Hays. Sa bawat araw na nakikita kita.Napakaganda mo, ng iyong buhok na mahaba at natural ang pagkatuwid, ng yung mga pilikmatang mahahaba, kilay mo na tila mo laging nagtataray, yung mata mong tila kumikinang palagi sa sobrang kasiyahan, ilong mong maliit ngunit matangos at bagay na bagay sayong mukha, at panghuli, ang iyong labi. Ang iyong labi na mapupula't maninipis. Napakaganda.
Yung mga ngiti mo. Yung bawat pag galaw ng iyong kilay. Yung tawa mong nagmimistulang musika sa aking tainga. Yung bawat paggalaw ng iyong buhok sa tuwing ikay naglalakad. Haha tila kabisado ko na yata ang bawat paggalaw ng labi mo? Kung bakit kumukunot ang iyong noo? Haha nakakatawa kasi parang halos lahat na ng kilos mo ay nalalaan ko kung para saan. Pero ang ayaw ko lang sa kilos mo e yung parang sinasabi mo sakin na 'Hindi kita gusto' 'Hindi tayo maaaring maging tayo'
Napakasayahin mo. Hindi masyadong madaldal ngunit napaka bait. Napakalambot ng iyong puso. Pero bakit tila nung nawala yung lalaki na yun e nagbago na?
Parang Hindi na ikaw yung babaeng minahal ko. Yung babaeng labis Kong hinahangaan na kahit sa maliit na bagay e lubos ng nasisiyahan. Yung kinang ng iyong mata na dati ay dahil sa sobrang kasiyahan e dahil na sa luhang nais na tumulo, nawala na yung musika. Nawala na yung halakhalak/tawa mong gumigising sakin. Wala na yung ngiti. Hindi ko na kabisado ang bawat galaw mo. Nagbago kana. Tila nawala na lahat pero bakit yung pagmamahal ko nandito padin? Nakakatuwang isipin na hanggang sa kahulihulian ay nandito padin ako.
Hinihintay na muling magbalik ang yung mga ngiti. Hinihintay na ang bawat pagkurba ng iyong labi. Hihintayin ko ang pagbabalik mo.
