This Summer...

354 30 10
                                    

 Dedicated to : @bernalesangelo! =) Natuwa kasi ako sa mga stories niya eh, ang galing niyang gumawa! Gurabeh! =) Pakibisita po ng profile niya at nirerecommend ko pong basahin niyo ang mga stories niya! =))) Thank you! Arigatou Gozaimasu! ~

- MS 17

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" Okay class. Thank you for being good to me, kahit na last day na natin ito. Masaya akong maging miyembro nang klaseng ito. So sana 3-Curie, (section namin) walang kalimutan huh? Hanggang maging Seniors na kayo. " maluha luhang speech ni ma'am sa amin dahil huling araw na nga namin ito as Juniors. Nagreact naman agad 'yung mga kaklase ko dahil sa nakakalungkot daw na speech ni ma'am. 

'Yung iba umiiyak na dahil mamimiss daw nila ang isa't isa. 'Yung iba naman nagyayakapan na dahil lilipat na nang ibang school 'yung iba. Sobrang lungkot ng atmosphere sa loob ng classroom namin. 'Yung tipong parang namatayan. Tss. OA much? =_= 

" Huhuhu! Ma'am! We'll gonna miss you! "

" Curie, mamimiss ko kayo! "

" Hindi ko  malilimutan lahat ng memories ko dito. "

" Nakakaiyak! Huhuhuhu! "

" Walang kalimutan huh? Kokotongan ko ang manglimot sa atin! " 

Halos lahat sila nagsimula nang magdrama dahil nga huling araw na. Siyempre ako, as always, forever alone. Tss. Yeah, wala man lang akong kaibigan dito dahil nga daw, weird daw ako dahil hindi ako masyadong nagsasalita. Pero tignan mo nga naman oh, nagnanarrate ako ng story ko? Hahaha! Well, sa utak ko lang naman sinasabi ang lahat lahat na gusto ko eh. Atsaka, kasalanan ko bang hindi ako palakaibigan? Tss. Ni wala ngang gustong lumapit sa akin dahil tingin nila sa'ken, mayabang dahil ako 'yung top 1 lagi. Hay naku! Ewan ko ba sa kanila.

" So Goodbye Class! I'll miss you all! Hope you'll enjoy your summer vacation! ^_^ " biglang sabi ni ma'am habang nagsusuot ng sun glass at pang beach na hat. Hinubad niya 'yung shirt na suot suot niya at lumantad ang mabulaklaking dress na suot suot niya. So hindi naman siya excited noh? =_=

" Waaah! Bakasyon na! Yes! DOTA everyday! " 

" Woohoo! Sa wakas! "

" Wala nang mga tests at assignments na sakit sa ulo! "

" Wala ng mga transfer tasks! Hooo! Magdiwang! "

" Shet! Ito talaga ang pinakahihintay ko eh! At last! "

Ang abnormal ng klase namin noh? =_= Parang kanina lang, nagdadrama sila at sobrang lungkot ng atmosphere, ngayon, parang gusto na nilang magkandalayo layo sa isa't isa. Naging sobrang masaya na bigla ang atmosphere. 

" Paano ba 'yan class? Aalis na ako huh? Kitakits nalang next schoolyear. Pupunta pa ako sa Boracay. Babush! " pagkasabi nun ni ma'am, naglaho na siya ng parang bula na halatang hindi naman masyadong excited sa bakasyon. Naiwan ang classroom namin ng mga nagpaparty party na mga klasmeyt kong mga adik. Tss. Dahil sa wala akong magawa, I just picked a book and read it, my daily routine eveytime I'm not in the mood.  

" Tss. Summer vacation na. Libro na naman ang inaatupag mo? " pagkarinig ko noon, binaba ko ang librong binabasa ko at tinignan ko lang siya with a blank expression. Tinignan niya rin ako, well, in short, nagtitigan contest kami. Tss. Dahil medyo nailang na rin ako, iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at bumalik sa pagbabasa ng libro ko.

This Summer... (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon