Featured Author #1: YellowLock

1.3K 29 5
                                    

Wattpad URL: https://www.wattpad.com/user/YellowLock (mahahanap din sa external link)

HisFic works: "Esta Escrito (It Is Written)," "La Escapador"


~Q&A:~



1.What made you decide to write historical fiction?

-Mahilig akong manood ng korean historical drama
-Doon ako sa genre na hindi pa nagugustuhan ng iba
- Mahal na mahal ko ang history
-Inspirasyon ko si ate pinayblonde at si Emilio Jacinto


2. What are your first impressions on historical fiction before you began writing one?

- Classic, seryoso, underrated pero challenging at kapupulutan ng napakaraming aral, historical facts at kultura ng isang lugar.


3. What is/are your favorite era/s in Philippine history?

-Pre-colonial, spanish colonial era, japanese colonial


4. What are your top resources when writing historical fiction (since this is a genre largely based on research)?

- Usually I rely some facts on the internet, and some history textbooks like T. Agoncillo's History of the Filipino People


5. Were you one of those who believed before that "history is boring?" Be honest! 🙂

-No. One of my fave subjects. Kasi siguro yung mga naging history teachers ko, hindi boring magturo


6. Should history a must-have subject in school? Why?

- Of course! Just stick to the popular salawikain, "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan". At isa pa, wag tayong maging tanga sa sarili nating kultura, wag maging banyaga sa sarili mong bansa.


7. Do you think your historical fiction could impact our present-day society? (It's okay if it isn't meant to!)

- Nope, totoo. Wala nga yatang impact sa iba yung story ko eh.Hahahahah. Although ang isa sa gusto ko ay matutong mahalin ng kabataan ang kasaysayan nang hindi nabobore through literature, I think wala namang impact tong sinusulat ko. Kaunti na lang talaga ang nagkakapake sa ginagawa ko. Tsaka minsan naoovercome ng isa pang reason na "nagsusulat ako kasi gusto ko, hindi dahil para sayo", ganern ako minsan kaya yung pagmumulat ko sa readers, biglang napapaliko. Though naiinspire ako ng ibang readers kasi natouch ko ang feelings nila at dahil sa good feedback. Ang mga readers ko yata ang nagbibigay sa akin ng impacts eh. Ako, impacta lang sa buhay ng mga binuburaot ko. Hahahah


8. What other genres do you write or want to write in apart from historical fiction?

Nagsusulat ako ng korning romance, may konting bahid ng pagkaberdeng tula, pero gusto kong subukan din ang fantasy. Pero sarreh, loyal ako sa hisfic at mukhang pupurgahin ko kayo ng puro hisfics ngayon. Chareng!


9. What message would you like to give your present and potential readers?

Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa inyo. I might not inspire you but you always inspire me. Nung mga time na down na down ako at parang napunta sa Pluto ang utak ko, binabasa ko na lang mga comments niyo kaya my brain found its way home. Naks! Mahal na mahal ko kayo kahit hindi niyo ako mahal! Charrr. Sana maappreciate niyo lagi ang mga handog naming mga hiyas at kaunting historikal na palaman at mga pangyayaring minsang naging parte ng kasaysayan.

Please vote and comment or else, walang update! Chareeeeng! #galawangpeymhor. De joke, wala akong paki sa reads or votes, kasi ang mahalaga, kayo! Hahahha


10. What message would you like to give your fellow historical fiction writers on WattpadPH?

Thanks mga teh sa pagbabandera ng HisFic sa Watty! Susuportahan ko kayo lagi para sa ekonomiya! Charot. Natutuwa ako dahil marami akong kasama sa pagtataguyod sa pagmamahal sa kasaysayan sa pamamagitan ng paglikha ng makabuluhang literatura. At halos lahat ng hisfic writers ay magkakaibigan, magkakapatid at magkukumare at kumpare. UaLAng Thi2bA6_b3nt3si6koh charot!

At para naman sa mga nagbabalak na magsulat ng hisfic, eneencourage ko kayo na sulat lang nang sulat, pero huwag kakalimutang magsaliksik kasi napakahalaga ng role natin dahil ang mga mambabasa ang nag-aabsorb ng kung anumang ideya ang isinusulat natin. Huwag nga lang sanang magpabulag sa trending at uso, kasi minsan, hindi na natin nabibigyan ng hustisya ang iba.

Get To Know: HisFic Authors (Pinoy Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon