Alam kong makikita mo itong ginawa ko
Sanay mabasa mo ang lahat ng ito
At habang binabasa mo
Sanay maintindihan mo ito ng hustoAng tulang ito ay para sayo
Aaminin ko utak at puso ko ay litong lito
Aking nararamdaman para sayo
Ay di parin ganon kasiguradoNung una palang alam ko sa sarili ko
Na nagkagusto ako sayo
Ngunit ang puso at utak ko
Ay laging akong ginuguloMasaya ako dahil dumating ka
Masaya ako dahil nakilala kita
Masaya ako dahil naging kaibigan kita
Ngunit masaya nga ba na hanggang kaibigan lang kita?Alam ko magulo
Dahil kahit ako ay gulong gulo
Gusto man sabihin ng puso ang lahat ng nararamdaman sayo
Ngunit pinipigilan lahat ng utak koPagdating sa ganito lumalabas ang tunay na ako
Oo ang duwag ko
Oo ang hina ko
Ngayon alam mo na kung sino ba talaga akoPatawad dahil hindi ko sinabi agad sayo
Patawad dahil alam kong ika'y nasaktan ko
Hindi ko inaasahan na magiging mahalaga ka saakin
Tanging hiling ko lamang ay huwag kang mawala sa akinSalamat dahil nandyan kang parati
Kahit ganito man ang aking ugali
Salamat sa walang sawang pagiintindi sakin
Salamat sa walang sawang pagpapasaya saakinTandaan mong lagi
Na dapat ikaw ay nakangiti
Dahil ikaw ang nagbibigay saya
Sa buhay kong malapit nang mawalan ng pagasaHindi ko man maisulat lahat ng aking nararamdaman
Basta't lagi mong tatandaan
Lagi akong nasa tabi mo
Aalalay at gagabay sayoAkin nang tatapusin ang tulang ito
Tandaan mo lahat nang aking sinabi sayo
At kahit ano man ang mangyari
Magkaibigan parin tayo hanggang sa huli.-tin

BINABASA MO ANG
Mga tula ng puso at isipan
PoetryCollection of poems You can also send me your own works and I'll published it here ☺️ (My compilations of poems) -j