Third person POV
Hindi alintana ng babae ang mga bulungan at panlalait na naririnig nya.
Taas noo syang lumakad at nilagpasan ang mga taong ito. Nagagalit sya sa mga ito dahil hindi naman nila alam ang tunay na estorya ay hinuhusgahan na sya.
Ang dalagang ito ay nag ngangalang kitchisuki hatsuki. Isang angkan na malakas. Malaking palaisipan sa mga tao kung bakit namatay ang buong angkan ng hatsuki at si kitchisuki lang ang natira.
Sa nangyaring iyon, kinamuhian sya ng lahat ng tao sa magic world. Para sa kanila, lahat ng kamalasan na nangyari sa kanila ay sya ang may kasalanan kahit wala namang syang kinalaman.
Sa kagustuhang tumakas sa mga mapanglait na tingin, sa mga chismoso't chismosa na hindi naman alam ang totoong nangyari ay kinekwento na agad ito sa iba, sa mga taong walang ginawa kung hindi guluhin ang buhay nya. At higit sa lahat..... Gusto nyang tumakas sa nakaraan nya. Kung saan puro sakit lang ang nangyari sa buhay nya, kung keylan iniwan sya ng mga mahal nya na inaakala nyang hindi sya iiwan.
Walang direksyon ang pupuntahan nya. Wala syang pakielam kung saan man sya mapunta.
Sa di kalayuan may nakitang syang tulay na gawa sa kahoy. Lumang tulay na pagtinapakan mo ay agad na mawawasak dahil sa pagkaluma.
Hindi nagdalawang isip si kit at lumakad sya papunta rito.
Ng nasa kalagitnaan na sya ng tulay ay napatingin sya sa baba. Siguradong mamamatay ang sino mang mahulog dito dahil ang sasalubong sa kanila ay ang malalim na tubig.
Sa paghakbang nya ay nawasak ang kahoy na dahilan kung bakit sya nahulog.
Malamang kung iba yon ay umiiyak na sa takot. Pero sya.... Imbes na Matakot ay hinayaan nya na lang ang sarili nya na mahulog.
Ano naman kung mamatay sya?? May masasaktan ba?? May iiyak ba?? Wala kase wala namang nagpapahalaga sa kanya. Walang may pakielam sa kanya.
Pinikit nya ang mga mata nya at dinama ang malakas na pwersa ng hangin na tumatama sa buo nyang katawan.
Napangiti sya. Hindi ito isang ordinaryong ngiti. Masaya sya dahil mamamatay na sya. Hindi sya ngumiti dahil sa iyon na ang huli nyang ngiti.
Napangiti sya dahil makakasama na nya Sila daichi at dark. At higit sa lahat makakasama na nya ang angkan nya.
Nawala ang ngiti nya ng maramdaman ang isang napakalakas na pwesa na humihigop sa kanya. Hindi ito ang hangin kung di isang portal. Hindi nya idinilat ang mata nya at hinayaan na lamunin sya ng portal.
Isa lang ang na'sa isip nya na pupuntahan nya at yun ay ang....
'Magic academy'
***
Kit's POV
Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Dinilat ko kaagad ang mata ko at tumama naman sa muka ko ang sinag ng araw.
Mukang wala na ako sa southern plain ah. Kung tama ang hinala ko nandito ako sa silver kingdom.
Agad akong tumayo. Mag lalakad na sana ako ng may maramdaman akong kapangyarihan..... A dark power.
Sa lakas nito alam ka na kung sino itong insektong to. "What do you want?" Tanong ko sa lalakeng nasa likod ko.
"Katulad ka pa rin ng dati, kit"
Humarap ako at nakita ko si akan. Sya si akan ashisuri ang anak ng dark king. At isa pang bagay......kaibigan ko sya.......noon.
Napangisi ako. "Tuluyan ka na palang nilamon ng kadiliman. Katulad ng ama mo." sabi ko sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.
YOU ARE READING
Im A Legendary
FantasyNag-iisa.. siguro? Wala ng importanteng bagay para sakin dahil wala na ang angkan ko. Isang academy? tss, isang bwiset na academy. Kung hindi ba ako pumasok don hindi ko makikilala ang mga kaibigan ko? ang taong mamahalin ko? wala ba akong problem...