Keraia's POV
"Hoy!Manong bag ko yan!Teka manong akin yan!" hingal na hingal na ako pero kailangan kong maabutan yung manong holdaper na pumuslit ng bag. "Tulong po!yung bag ko!" panghihingi ko ng tulong alam ko na walang pang dumadaan sa kalye na to ngayon pero sana may makarinig sakin sa kabilang kalye. Napatigil ako sa pagtakbo nung makita ko na yung manong holdaper na pumuslit ng bag ko nakahiga na sa kalsada at namamaluktot na at duguan ang mukha.
"Sa susunod mag-iingat ka, kapag gabi na wag kang dadaan sa madidilim na lugar , nagkalat na ang masasamang loob ngayon pasalamat ka at napadaan kami ni Sir Calvin." sabi ng lalaki na bumugbog dun sa manong holdaper, bigla naman akong napatitig sa kotse na nakaparada sa harapan magara ang kotse pero hindi yun yung nakaakit ng atensyon ko kundi yung lalaking nasa loob nun. "Ahmm.. Sir maraming salamat po sa pagkuha ng bag ko tatanawin ko po tong isang malaking utang na loob sa inyo." pasasalamat ko sa kanya "Hija, wag ka saking magpasalamat , kay Sir Calvin ka magpasalamat siya ang nagpahinto sakin dito para tulungan ka." sabi nya "Ahmm.. pakisabi po sa amo nyo salamat tatanawin ko yung utang na loob sakanya." nakangiting sabi ko "Sige makakarating sakanya , mag-iingat ka hija mauna na kami."
Umalis na yung sasakyan nung lalaking tumulong sakin pero hanggang ngayon nahihiwagaan parin ako kung sino yung lalaking nasa loob ng kotse.
Calvin uh, sana magkita tayo someday at makapagpasalamat ako sayo ng personal kung hindi dahil sayo baka natangay na nung manong holdaper na yun yung perang naipon ko para sa pag-aaral ko.
YOU ARE READING
Completely Inlove with a Stranger
Teen FictionWhat if sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon ay malaman mo na mahal mo na pala ang lalaking hindi mo pa naman lubusang kilala? Would you continue loving him o ititigil mo na ang kung ano man ang nararamdaman mo bago ka pa tuluyang mahulog?
