PRINCESS’ POV
Maaga kong nagising ngayon dahil na rin hindi ako nakatulog kakaisip kung anong mangyayari ngayon at bakit kailangan ko pang pumasok ng maaga.
*bzzt *bzzt *bzzt *bzzt - sunud-sunod na txt ang nareceive ko.
“Goodmorning Princess, wake up be at the gym at exactly 7 am :D” – pareparehong message galling sa red thorn.
Ano ba talagang meron? Hay, makaligo na nga 6 am na.
***
“Manang alis na po ako.”- sigaw ko habang pababa ng hagdan
“Magbreakfast ka muna iha”- sabi ni manang
“Hindi na po Manang late nap o ako e. Bye bye :D” – tugon ko habang papalabas ng gate
Tutal 15 mins lang naman ang lakaran papuntang school, hindi naman ako malalate. Tiningnan ko yung relo ko 6:30 na. aabot pa ko.
***
Pagdating ko ng school dumiretso na ko sa gym, pagpasok ko sobrang tahimik at ang dilim.
“Niloloko lang ata ako nila Vince e” _bulong ko habang inikot ang tingin ko sa buong gym
Nagulat ako ng may ng flash sa screen. Natulala ako ng mag sink in na puro stolen shots ko yung nag flaflash. May nakatingin sa malayo, nakangiti at meron ding nakapikit. Saan nila nakuha to at sino ang may pakana nito? Napatingin ako sa stage ng makarinig ako ng strum ng gitara, ang Red thorn nasa stage at si Axel ang may hawak ng mike. Tutugtog sila?
Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one
At sing-along
Grabe natulala ako sa ganda ng boses nya. Ang lamig pero sobrang nakakakilig. Nakatitig lang sya sa akin habang kumakanta.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Binubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo
Di ba parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Di ba't ikaw ang bidang artista
At ako ang 'yong leading man
Sa istoryang nagwawakas
Sa pag-ibig na wagas
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Binubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa 'yo
Pagkatapos nyang kumanta bumaba sya ng stage at unti-unting lumapit sakin habang ang ibang nyang kaibigan patuloy lang sa pagtugtog. Napakabilis ng tibok ng puso ko, para kong mauubusan ng hininga. At alam kong sobrang pulang pula na yung muka ko. Ng makarating sya sa pwesto ko mga 3 inch na lang ang layo naming nagulat ako ng lumuhod sya at sabay abot ng bulaklak.
“For the most beautiful girl I ever met.” –sabi nya ng nakangiti
Grabe pulang pula yung muka ko. Hindi ako makapagsalita, sobra kong nawindang.
“You’re speechless Princess, pero sana sagutin mo yung tanong ko Princess Park, will you be my girlfriend? “ – nakangiting tanong nya.
Ano daw? Girlfriend? Nakatingin lang ako sa muka nya hindi ko alam sasabihin ko. Nakita ko sa muka nya yung worry. Kinakabahan ako hindi ako sigurado sa isasagot ko, natatakot ako.
“Princess, I’ll ask you again will you be my girlfriend? “ – kinakabahang tanong nya
“yess na nerd, wag ng choosy” “yes” “yes” “yes” – sigaw nung mga studyante na nanunuod. Nuon ko lang napansin na marami na palang nanunuod. Masyado akong nafocus sakanya.
Sana sa gagawin kong desisyon hindi ko masktan. Bahala na alam ko mahal ko na sya.
“OU Axel, I will be you girlfriend” – sabi ko ng nakangiti at patuloy ang tulo ng luha ko sa saya
Bigla na lang nya kong niyakap at binuhat at pinaikot-ikot sa ere.
“Thank you baby , thank you :*” –tuwang tuwang sabi nya sabay halik sa magkabilang cheeks ko.
Nang ibaba nya ko humarap sya sa barkada nya at ngthumbs up. Nginitian nila kami at ngpalakpakan ang mga students. Nang magawi ang tingin ko sa may pinto nakita ko ang grupo nila Michille na nakatingin at nakangiti ng mala demonyo. Kinilabutan ako pero hindi ko na pinansin at tinuon muli ang atensyon ko kay Axel na hindi maalis ang ngiti sa muka :D
Habang nakatingin ako saknya bigla nya kong nilingon at ngitian ng matamis. Sana hindi talaga mali yung desisyon kong ibigay saknya yung puso ko. Sana alagaan nya :D
I’m officially the girlfriend of Axel Montecarlo the leader of the Red Thorn, strongest gang in the country :’))))))
Top of Form
Bottom of Form