1

14 0 0
                                    

(First Day!)

"BLUUUUU!" grabe naman tong mga fans ko pati ba naman dito sa school susuportahan pa ako aish.. ewan.. nakakapagod talaga kapag sikat ka -_-

"Blu!"

"B.L.U"

"Hoy blu bingi lang?"

"Oy Pink!" bestfriend ko pala, joke lang yung kanina wala talaga akong fans hehe ^_^V

"Tara na! Classmates tayo isn't that amazing?" tanong niya sakin

"surprising!" bagot kung sagot sa kanya dineretsyo ko na sa huli para di na tumaas pa 

naglalakad na kami papuntang classroom parang natatae ako eh..

after 7546564564713434 years dejokelang alam ko namang di niyo tinapos/binasa ang numbers diba? umamin na kayo... BISTADO!

nang makaupo na kami sa classroom namin.. aba syempre! alangan naman sa faculty diba?

"KYAAAAAH!" sigawan ng kinikilig na kababaihan

" Hoy pati ba naman ikaw?! " si pink kasi nakikisali rin eh

ang ingay grabe /(-.-)\

"  Hoy hindi mo alam blu? may gwapo tayong classmates! " masiglang sabi ni pink

"aba malay ko! tsaka di ko rin malalaman kung may gwapo no may picture bang nakalagay dun sa list para malaman ko kung anong itsura ha?" 

*clap*clap*

" anong pinaglalaban mo girl?" nakakainis tong si pink

"aish ewan ko sayo" sabi ko sa kanya para tumigil na ang bruha

"KYAAAAAH!" sumisigaw ulit ng kalandian! ay sorry po!

aray ang ear drums ko! nagtratransform into ear flute! joke yun guys! support naman! haha

palakas ng palakas yung tili ng kababaihan hanggang sa may pumasok na dalawang lalake.

G-W-A-P-O ay sorry naman sa totoo eh

"tss." sabi nung isang lalake habang nakatingin sakin teka parang nakita ko na siya wait..

loading...

*FLASHBACK*

nasa mall ako naglalakad hinihintay ko si pink ang tagal nagugutom na ako

kakainin ko nalang tong doughnut ko hmm! ang sarap tingnan.. YUMMY!

tinitigan ko muna kung kakainin ko ba oh mamaya nalang

*TOINK!*

Totoo pala talaga ang slowmo

Yung-doughnut-ko-nahulog-bwisit! (slow motion fx)

"HOY! IKAW LALAKE!" sigaw ko di naman marami ang tao okay lang makipag-away

justice for my food!

lumingon siya sakin na parang walang nangyare binangga niya ako kaya nahulog yung doughnut!

" KAININ MO YUNG DOUGHNUT KO!" sabay turo sa pagkain ko na nasa sahig

nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya

eh! dapat lang no! Justice nga diba para sa pagkain ko! kailangan niyang kainin para hindi masayang

" tss. kainin mo mag-isa mo" 

aba tong lalakeng to siya may kasalanan

"ikaw bumangga sa akin kaya nahulog pagkain ko kaya ikaw kakain! kung ayaw mo bilhan mo akong isang box!" sabi ko aba dapat lang no

"okay ."sabi niya buti naman madaling kausap tong lalakeng to

sinundan ko siya para kukunin ko agad baka naghihintay na si pink sakin

ang bilis niyang maglakad!

pumasok kami sa national book store at may kinuha siyang box at binili

"OH!" binigay niya sa akin yung box na box yung walang laman yung ganun at umalis agad habang ako natulala sabihin na nating naiinis na talaga ako gusto kong kainin niya tong box arrgggh! >.

mabilis akong lumabas ng NBS para makita siya pero wala na

*END OF FLASHBACK*

binabawi ko na ang pagpuri sa kanya kainis!

CrayolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon