OD.1

49 2 0
  • Dedicated kay Rosemarie Salicsic
                                    

Simula .

Nakakabinging katahimikan. Ganyan naman ang laging bumubungad sa akin sa paggising ko sa umaga. Mag isa dito sa napakalaki at marangyang bahay. Sabagay ano pa nga bang inaangal ko? Desisyon ko ito. pinili ko para lang makasama siya. Nakakatawa lang na ang dahilan ko ay upang makasama siya pero bakit hindi naman ganoon ang kinahinatnan? 

Malakas akong napabuntung hininga. Nakakapagod lang isipin. May mga bagay talaga na kahit alam mo hindi mo maiwasang maguluhan. Sabi kasi nila kung ayaw mong maguluhan wag mong tignan sa komplikadong paraan. Di naman ako naniniwala dun kasi once na may halaga sayo ang isang bagay hindi naman pwedeng di mo ito matignan ng walang kasamang komplikasyon.

Napagpasyahan ko na lang bumangon. Dahil kahit naman anong isip ang gawin ko hindi pa rin sya darating dito sa tabi ko. Mag isa parin akong magluluto at kakain nito. 

Ilang buwan na bang ganito? Mas madalang pa sa patak ng ulan kung magpakita sya. Wala naman akong lakas ng loob magtanong dahil noong una't huli ko syang inusisa tungkol dito isa lang ang sagot nya "You dont care". Haha. Ako ang nagpasok sa kanya sa magulong sitwasyon na ito kaya alam kong wala akong karapatan. 

Pagkatapos kumain ay naligo na lang ako at muling bumalik sa pagkakahiga. Ang buong akala ko magiging masaya ko pag nangyari yung gusto ko pero bumaligtad yung plano dahil ngayon aminado akong nahihirapan na din ako. 

Sa araw araw na nagdaan hindi maiwasang sumagi sa isip ko kung bakit nga ba ako na punta sa sitwasyong ito. Kung bakit nga ba ako nahihirapan ngayon.

Flashback.

Thirdyear High School. Unang araw palang makikita mo na sa mga mata ng juniors ang kagalakan. Siguro dahil alam nilang dumating na ang pagkakataon nila na lubos na pinaghahandaan ng lahat ng kabataan sa sekondarya.

Ang Junior&Senior Prom o JS Prom. 

Pero mayroon din namang hindi mo makikitaan ng exitement. Yun bang parang wala lang. Mayroon ding hindi talaga masaya, katulad ko.

Nanggaling ako sa ikalawang pangkat noong nakaraang taon. Hindi naman ako ganun katalino pero alam kong hindi ako bobo. Kaya lang mas inuna ko ang barkada kaya ayun bumaba ako ng pangkat noong mag ikatlong taon na ko sa hayskul. 

 Hindi naman ganoon kababa kung tutuusin pero ganoon yon para sa akin. Masakit sa pride ko na halos karamihan sa mga naging kaklase ko nag stay sa section na yun at kabilang na yung mga naging kaibigan ko. Nakakailang. Nakakahiya. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Just go with the flow na lang dahil ayun lang naman ang choice na mayroon ako.

Makukulit,maiingay ganun din naman sa pinanggalingan ko ngunit hindi naman kasing sobra nila. Mayroong mayabang, mayroon namang nagpipilit lang maging maangas, may grupo din ng mga kikay at syempre hindi mawawala ang mga nagsisilbing angel ng section namin. Ako? Saan ako kabilang? Lahat naman ng yan kaya kong sabayan kaso dahil umpisa pa lang kailangan mo pang mangapangapa.

"Eriel Arellano" malakas na tawag sa akin ng ikatlong guro ko ngayong araw.

"Present" malakas ding sigaw ko. ganti lang. Agad naman itong napalingon sa gawi ko ng nakataas ang kilay. seryoso medyo nakakakaba sya pogi sana kaso parang bakla? silahis siguro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Only DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon