One

8 1 1
                                    

Chapter One

Aria's Point of View

"Hoy! Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan?! Ngayon ka lang ba nakakakita ng maganda?!" Bulyaw ko do'n panget na kanina pa tingin nang tingin sa akin. Kainis, ginawa pa akong view!

Nanlaki naman ang mga mata niya at napaatras.

"Sungit, sayang ang ganda." Bulong pa niya at saka nagsimulang maglakad papalayo sa akin. Aba't ginawa pa niyang bulong 'yon, ha!! Nakakahiya naman, rinig na rinig ko pa ang bulong na iyon, e!

"Tanga! Ano'ng gusto mo? Magbait-baitan ako sa'yo?! Bakit?! Close tayo?! Close?!" Aba lecheng panget na iyon, ah!

"Grabe talaga 'yang temper mo, Ri. Ang init!" Naiinis na binalingan ko ng tingin si Axel. Ang kapal ng mukha niyang pag-antayin ako!

"Ay hindi! Ang cold! Sobra! Leche!" Sakit ng mga paa ko, ha! Pinag-antay niya 'ko ng matagal! Pahamak na ligaw ligaw 'yan! Tangina, nadamay pa ako!

"Sabi naman kasi sa'yong sumama ka sa loob ng shop." Napakamot pa siya ng ulo. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"At bakit?! Sa tingin mo ba papasok ako sa flower shop na 'yon para lang makita ang napaka-corny mong effort para ligawan ang Paige na 'yon?!" Nakapameywang at taas-kilay ko pang bulyaw.

"Ouch naman, Ri. Bakit hindi mo matanggap na nanliligaw nga ako at kailangan ko ng support mo?" Aniyang nakasimangot. Hindi ko man maamin ay nasaktan ako doon.

Ba't rin ba kasi hindi mo matanggap na ayaw nga kitang suportahan sa panliligaw mo dahil makita at marinig ko pa lang ang mga plano mo, nasasaktan na ako?

"Oo nga nama't wala ka pang alam..."

Ha ha ha. Pakshit. Friend-zoned.

Sapul na sapul talaga ako doon sa narinig kong linyang nasa isang pelikula. I don't exactly remember the exact quote, but it goes something like this:

May babaeng gini-girl friend at may babae ring bini-best friend lang.

That feeling. Pakshit lang, 'di ba? Tangina, ang corny naman ng buhay ko. Masayong cliche!

"Ha? Hindi kita narinig. Ano nga 'yong sinabi mo?" Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Axel.

"Wala. Ang sabi ko, sasamahan kita ulit dito bukas para kunin ang bouquet na pinagawa mo." Ngumiti ako ng mapait. Nakita ko naman ang pagliwanag ng kanyang maamong mukha.

"Talaga, Ri?! Promise yan, ah! Love you, Ri!" Aniya sa masayang tono. Bigla niya akong binuhat at pinaikot-ikot.

Minsan talaga, mas pinipili mong maging martyr na lang para sa ikasasaya ng taong mahal mo.

"Good morning, Baby Ri ko!" Nagising ang katawang lupa ko nang marinig ko ang sobrang lakas na boses ni Axel na nagpayanig ng buong kwarto ko.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tinalikuran ko siya at nagtalukbong ulit.

"Ri, you promised me." Nakapikit pa rin ako. Naramdaman ko na lang ang kanyang katawan na dumikit sa likod ko.

Nakaramdam ako ng pagyanig ng buong katawan ko when he placed his arms around my waist and pulled me closer.

"What. The. Fuck. Are. You. Doing." Natawa siya at mas nakaramdam pa ako ng mga paru-paro sa tiyan ko nang magbangga ang pisngi namin. Pinagdikit niya iyon. Ramdam na ramdam ko ang init na hangin galing sa ilong niya na siyang kumikiliti sa akin.

"Baby, it's 9:30. Ang usapan natin ay pupunta tayo sa shop at 10." Ngumuso ako nang maalala ko na namang nanliligaw nga pala itong mokong.

"Fine. Get out so I could get ready." Walang gana kong sagot. Nang magtama ang mga mata namin ay mas ngumisi siya.

"Thanks, Baby Ri." Nanlaki ang mga mata ko nang hinalikan niya ang pisngi ko bago makaalis sa kwarto ko.

"So, what do you think?" Ngiti-ngiti niyang tanong sa akin ngunit nasa bouquet naman ang atensyon niya.

Kakalabas lang namin ng flower shop at naman, masayang bitbit na bitbit ni Axel ang pinagawa niyang bouquet.

"Ang corny." Sabi ko na lang at tinalikuran siya. "Saan tayo ngayon?" Tanong ko kaagad. Pakshit naman, nababagot n ako, ha! Narinig ko naman ang tawa niya at sinundan ako.

"Ito naman." he said, chuckling.

Ang totoo niyan ay I find it romantic. I mean, siya na nagpagawa pa ng bouquet na iba't ibang flowers ang laman. Naiingit ako.

Nasasaktan ako sa katotohanang hinding hindi 'to mangyayari sa amin ni Axel.

Pakshit talaga kapag best friend lang ang turing sa'yo ng taong mahal mo, 'no? Aminin!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kailan Magiging AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon