Chapter 3

809 19 0
                                    

Aly's POV
Kinaumagahan
Papasok na ako ngayon sa banyo pagkatapos kong ipaligpit kay Manang Rosie ang hinigaan ko. Tinignan ko naman si Sparkles at ayun Tulog parin ang aking Baby Girl. Habang naliligo ako biglang kumatok si Mommy.

"Xander, bilisan mo jan may surprise kami ng Daddy mo sayo"Mommy

"Yes mom. I'll be out in a sec." sabi ko

Pagkatapos kong magbihis palabas na sana ako ng kwarto ko ng may nakita akong isang babae sa bintana ng kwarto ko. May bago pala kaming kapit-bahay. Mukhang maganda 'to ah, Ang ganda ng likod ang kinis. Narinig ko na tinawag na ako ni mom sa baba kaya tinignanbko munab si Sparkles atsaka bumaba na pagkatapos.

Pagdating ko sa baba. Nakita ko si Mom at Dad, kumakain na sila kaya pumunta na rin ako sa kanila.

"Mom, Dad kelan po babalik si Ga-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil may biglang sumigaw.

"TWINNIE"

Paglingon ko nakita ko ka agad ang kakambal ko. Niyakap niya naman ka agad ako.

"ALEXANDRA!" saway ni Dad. Ang ingay kasi umagang umaga eh.

"Twinnie kasi, Ang ingay." pagsasabi ko sa kanya.

"Ehh! Namiss lng kasi kita. Ikaw ba naman mag Imerssion sa Province.... Miss kita twinnie na miss ko rin si Baby Sparkles" sabi nya at niyakap ulit ako. Ganyan kami sweet kami sa isa't isa.

Mas matanda ako sa kanya ng limang minuto. Ako Varsity siya naman ang cheerleader ko. Ako ang super protective nyang kuya kaya never pa siya nag karoon ng Boyfriend. Sa kanya lng ako sweet pati narin kay Mommy, Mamita at kay Sparkles.

"Ayan na yung surprise namin sayo"sabi ni Mommy ng naka ngiti

"Hindi naman surprise 'to eh" pagsisinungaling ko dagdagan pa ang pagka seryoso ng mukha ko sarap kasing asarin ng kambal ko.

"ANONG SABI MO?!"sabay pingot sa tainga ko.

"ARAAAY! TWINNIE! Yung tainga ko napunit na!" binitaw naman nya agad. Ansakit nun ah!

"HMP!" Ani nya at pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain pumunta na kaagad kami sa school. Nagpahatid nalang kami ni Twinnie kasi diba na iwan kotse ko sa School? Kaya ayon.

Andito na kami ngayon sa school. Nung nakita namin agad sina Grey ay pumunta na ako sa kanila, si Twinnie ay nauna na kasi daw magha-hi pa sya sa mga friends nya. Pagdating ko kina Grey, ayun lahat naka yuko akala mo may pinapanood na makawindang ng Kaluluwa. Pagtingin ko sa kung ano man amg ginagawa nila. Ayun, naglalaro pala ng CLASH OF CLANS. May naisip naman akong kalokohan. Haha. Batukan ko nga! Ayun pinagbabatukan ko pwera kay kuya Andrie na naka focus dun sa mga Volleyball Players na nag ta-try out. Pagtingin ko sa kung saan man siya tumitingin ay nakita ko na yun pala ay yung Morena na parang Amazona na kasama ni Conyong Masungit kahapon. Nakita kong napa nganga si kuya Andrie nung nag spike yung Morenang Amazona. Hindi naman sa ganun ka laki yung pagkanga-nga niya kundi Semi-circle lang. Haha. Kaya naka isip na naman ako ng Kalokohan at bigla kong nilagyan ng tubig na dala ko ang kanyang bibig dahilan ng pagkagulat niya ay naibuga nya kay kistan ang tubig. Dahilan para matawa sila.

"Paksyet! Kuya Andrie naman oh bago 'tong damit ko eh!" reklamo ni Kistan.

"Wag mo akong ma paksyet paksyet dyan Binay ha! Itong si Gabriel sisihin mo!" sabi ni kuya Andrie kaya Mabilis kong tinignan si Kistan na ngayon ay nag aapoy ang mata sa inis. Kaya wala pang isang sigundo para na akong si Flash kung tumakbo.

"GABRIEL!!!"

Matapos ang paghahabulan namin ni Kistan ay bumalik na kami sa classroom. Nakapagbihis na rin sya ang kaso lang naka busangot ang mukha.

Pagdating namin sa room may narinig ka agad kaming ingay. Pagpasok namin isang Ilainna na nagbubuhos ng pinta sa isang babaeng naka upo sa sahig ang bumungad sa amin. Pagtingin ko dun sa babae ay nakatalikod ito sa akin pero alam kong umiiyak ito dahil sa pagyugyug na balikat niya. Parang naawa naman ako dun sa babae kaya nilapitan ka agad namin. Pagkatapat ko sa kanya nakita kong si Conyong Masungit pala ito. Nakita ko rin ang kanyang mga kaibigan na parang susugurin na si Ilainna at kanyang mga alipores pero pinipigilan sila ng mga lalaki. Nakaradam naman ako ng awa pero inalis ko rin agad sa sistema ko ang nararamdaman ko. Tumungo nalang ako sa aking upuan at nakinig ng music.

Den's POV

Pagpasok ko sa classroom nagulat nalang ako ng bigla ako nabuhusan ng slime. Lalakad na sana ako pero bigla akong nadulas kaya napa upo ako sa sahig. Nahulog naman yung libro ko kaya agad ko itong kinuha, hindi na naka lapit pa ang aking mga kaibigan para tulungan ako kasi may mga lalaking naka harang sa kanila. Parang tutulo na yung luha ko kaya dali-dali kong kinuha ang mga libro ko pero sa paghawak ko palang sa libro ko ay mayroong nagbuhos ng pinta sa ulo ko. Umiiyak na ako ngayon. Meron namang pumasok sa pintuan ang kaso hindi ko makita kasi nalagayan ng pinta yung eyeglasses ko.

"Yan ang nababagay sa mga makakapal ang mukha. Kalabanin ba naman si Alexander my loves. Makapal talaga ang mukha mong nerd ka!" sabi nung babaeng nag buhos sa akin ng pintura.

Bigla niya nalang akong sinabunutan na ikinabigla at kinahagulgul ko.

Mabuti nalang at biglang dumating yung prof. namin. Nung nakita ako ng Prof ko pinapunta niya ka agad ako sa Clinic kasama si Ella.

--------------------------------------
A/N
Itutuloy ko ba talaga? Tamad na ako. Haha

He's Her Sweet BullyWhere stories live. Discover now