Nagising nalang ako dahil sa sarap ng na amoy ko. I checked my black clock and it's already 8am. Bumaba na ako and nakita ko si yaya Bering na nagluluto ng bacon, which is my favorite.Si yaya Bering ay isa sa pinag katiwalaan ni mama mag bantay sakin, matanda na si yaya Bering sya nga ang nag alaga kay mommy ng bata ito.
"Oh, ija gising kana pala."
"Yes yaya, hininhintay lang kita matapos para po makita ko na yung pag tatransfer-an ko ng school."
"Osige't mas mabuti yan. At tayo nalang ang mag kasama." Aniya.
Nalungkot ako. "Yaya, magiging okay ka lang ba dito? May boarding house kasi akong nakita malapit sa school, malayo kasi tong mansyon sa school eh." Malungkot kong sabi.
"Osige mag iingat ka doon ah? Ok lang ako. Kumain ka sa tamang oras." Bilin nya saakin.
"Sige po yaya, mag aayos lang po muna ako." Aniko. Tumango siya at ngumiti.
Umakyat ako sa kwarto ko at uminom ng tubig. After ng ilang minuto napag desisyonan ko ng maligo.
After kong maligo I decided to wear my white polo with my skinny jeans. Tiniklop ko ng hanggang siko ko yung polo ko at binutones.
"Yaya!" Tawag ko habang pababa.
"nandito ako sa kusina," sigaw nya pabalik.
Nag madali akong pumunta sa kusina dahil nagugutom na talaga ako.
"tapos ko ng lutuin yung bacon mo." Ani ni yaya Bering.
"Thanks yaya." Sabi ko at ngumiti lang sya.
Nag simula na akong kumuha ng fried rice at kumuha ng tatlong bacon.
Nguya ako ng nguya hanggang sa mag tanong si yaya Bering.
"Saan ka nga pala lilipat ng school, ija?"
Tinapos ko muna yung nginunguya ko bago sumagot. "Sa Labyrinth Academy po."
"Pag butihin mo pag aaral ah? Baka mag bulakbol ka don ah?" Biro niya
Natawa ako kaya tumango nalang ako.
Natapos akong kumain at nakapag toothbrush narin ako.
"Yaya alis na po ako! Mamaya uuwi rin po ako, siguro sa start nalang po ng klase ako lilipat."
"Osya't mas maigi iyon para may kasama rin ako rito mamaya. Mag iingat ka."
Tumango at niyakap sya.
YOU ARE READING
Bloody section
Mystery / ThrillerThis story is all about section X (eks hindi ten ang basa. Okey??? Or you may call them section star.) who belong to that section? Find at your own risk! Bloody section, why did I call them bloody section? Is there something that happened in the pas...