CHAPTER 3

114 8 0
                                    


Days passed like a blur, at wala pa rin siyang nahanap na trabaho at sa school bad record parin. Oo,alam na niya ito at hindi na nakakapagtaka. Kahit anong gustuhin niya,hindi siya lalapit sa pamilya nito para panindigan ang sinabi niya rito na kaya niya ang sarili kahit alam niyang parang susuko na siya.

Lagi na nga siya kinukulit ni Manang Jenna, pero lagi naman niyang sinusuyo at sabihin dito na makakabayad din siya.

Sabado ngayon, total wala ring magawa maliban sa magmukmok sa apartment.

April 5, 2017 na pala.

Ang bilis ng panahon at kailangan na pala niyang dalawin ang taong importante sa kaniya.

Naligo siya at agad nagbihis tapos umalis ng apartment.

Naglakad lang siya papunta dito sa Memorial Park dahil hindi niya trip ang sumakay ng sasakyan maliban sa nagtitipid siya sa pera.

Isa itong private na memorial park. Pero pwede siyang makapasok dito dahil kilala ito ng guard.

Natagpuan na niya ang libingan na hinahanap nito. Nakita niyang sobrang dumi na pala ng lapida at marami na itong ligaw na damong nakatabon dito kaya nilinisan muna niya ito. 'Hindi ba naglilinis ng lapida yung taga rito? Tss..'

Umupo siya sa damo at sinindihan ang dala niyang kandila at nilagay ang ilang piraso ng bulaklak na binili niya sa nadaanan niyang tindahan kanina at sinimulan na siyang kausapin.

"Hi Rex! Death Anniversary mo pala ngayon, kala mo nakalimutan ko no?" malungkot na sabi ni Lea.

"Syempre hindi, dahil isa ka sa importanteng tao sa buhay ko."nakangiting pagpapatuloy nito.

"Pero alam mo ba na napaka miserable na ng buhay ko ngayon?"tanong niya pero alam niyang hindi siya nito masasagot.

"Yung dating Lea na masayahin,madaldal ay naging tahimik at lagi nalang umiiyak. Parang pinaparusahan ako kahit wala naman akong masamang ginawa sa buhay."pagpapatuloy pa nito habang tumutulo ang luha

"Alam mo bang ikaw lang ang nagbibigay ng lakas ko? Pero iniwan mo naman."Naiiyak na natatawang sabi ni Lea. Wala siyang pakealam kung sasabog man ang lahat ng emosyon niya rito. Dahil siguro makakabuti rin ito na inilalabas niya dahil feeling niya anumang oras ay sasabog na siya.

Pero tanging hangin lang ang sagot sa mga tanong niya.

2 years na ang nakalipas, pero sariwa parin sa kaniya ang ala-alang iyon. Masakit para sa kaniya dahil iniwan siya nito sa mga panahon na akala niya ay wala nang katapusan ang kaligayahan niyang iyon kasama ang kasintahan niyang si Rex. Napahikbi na naman siya at hindi niya napansin ang oras na nakaupo siya doon habang kinakausap parin si Rex.

"Are you okay?"narinig niyang tanong mula sa kaniyang likuran sa pamilyar na boses. Kaya nilingon niya ito at nakita ang isang lalaki. Gulat at natatakang tinitigan niya ito.

'Diba, siya yung ano... Yung nagbigay ng payong!?!?! Anong ginagawa niya rito?'

Napadako ang mata niya sa nakalahad nitong kamay na may hawak na panyo. Tinanggap niya ang panyo at ipinahid ang kaniyang luha.

"S-salamat." Sabi ni Lea at nanatiling naka-upo dahil hindi pa niya feel ang umuwi.
Nagulat ito dahil nandito pa rin ang lalaki.

"Pa-upo ako ah?"tanong niya at tanging tango lang ang naging tugon ni Lea. Nanatiling tahimik ang panig nila kaya si Lea na ang bumasag at tinanong siya.

"Ano palang ginagawa mo dito?"

"May dinalaw lang. Alam ko kasi na nalulungkot na naman siya mag-isa." Sagot niya

Ilang minuto silang natahimik dahil rinig niya ang ihip ng hangin sa paligid ng sementeryo.

"S-salamat."mahinang sambit ni Lea kapagkuwan.

"Hmm, para saan?"tanong niya at tumingin kay Lea.

Tumingin rin ito sa kanya... Ngayon lang niya napagmasdan ang mukha ng lalaki.
Gwapo. Matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, matangkad, maputi...

"Done checking me?"nakangising sabi niya

"Kapal! Hindi no."sabi ni Lea at iniwas ang tingin niya sa lalaki dahil feeling niya ng mga sandaling iyon ay namula ang pisngi niya.

"Okaaay?"sabi niya na parang hindi sigurado."Para saan pala yun?"tanong niya

"Ha?"balik tanong ni Lea dahil hindi siya makapag isip ng mabuti dahil sa sinabi nito kanina lang.

"Yung salamat."sabi niya

"Ahhh, sa panyo at payong."sagot naman ni Lea

"Wala yun, obligasyon ko yun."sabi niya habang nakatingin sa langit.

"Ano?"naguguluhang tanong ni Lea.

"Basta."sabi niya

*LEXY CALLING*

"Wait may tumatawag."sabi niya at pumunta sa may di kalayuang puno dahil private pag-uusapan nila

"Hey! Lexy it's been a long day! Napatawag ka."masiglang sabi niya para hindi ipahalata na hindi siya okay.

"Whatever."inis na tugon sa kabilang linya.

Alam ni Lea na kahit kelan ay hindi siya matatanggap nito na kapatid dahil nang namatay ang Mama ni Lea ay nakapag-asawa ang daddy niya at ang madrasta nito at si Lexy ang pinagtuunan ng pansin ng kaniyang Daddy kesa sa kaniya. Minsan ay si Lexy pa itong nagagalit kapag may nagawa siyang mali, pero alam niya sa sarili na nagpapakitang tao lang ito para isumbong ito sa kanilang daddy kaya hanggang ngayon ay hindi sila nagkakamabutihan ng Daddy niya at ng mag-ina.

"Nalaman kong nangopya ka daw?!"inis na sabi niya

"What? Lex hindi ko alam yan."sabi ni Lea

Hindi siya mangongopya kahit kailan!

"Anong hindi? Diba hindi ka rin daw pumasok ngayon dahil binagsak ka ng adviser niyo? Tsaka marami na akong narinig na nagcu-cutting class ka. So ano doon ang hindi totoo?" Sabi ni Lexy.

Alam niya na wala itong pakielam sa kanya at may pakielam lang ito sa katayuan niya sa school dahil minsan rin silang pinagkumpara ni Lexy dahil palaging nasa Honor roll si Lexy samantalang siya ay hindi. Ayaw rin ng kapatid niya na may nakakarinig na masamang ginawa niya sa school dahil kay Lexy daw ang impact nun kaya ganun na lamang ang galit nito sa kaniya.

"That's not true Lex! Ganyan ka na ba talaga ka babang tumingin sa'kin?! Hindi porket walang utak ako ganyan na ang gagawin ko! Hindi ko magagawa yun Lex! Hinding hindi!"sabi niya at pinatayan ng tawag si Lexy

Pinunasan niya ang luha at bumalik sa lapida kung saan nandun siya nakaupo kanina.

"Asan na yun?"tanong niya sa sarili dahil nawala na ang lalaki kanina.

Ang weirdo talaga lagi nalang nawawala!

Hindi na niya yun pinansin at umuwi na dahil mukhang uulan na naman.

"Bye Rex!"sabi niya at nagsimula nang maglakad.

'bakit kaya lagi nalang akong iniiwan?'

____________________

A/n: Huhuhu.. Sana magustuhan niyo😊 lablab💕

My Boyfriend Is A Ghost (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon