Two

1K 14 4
                                    

Two: 'Jealous

“Ang dami nyo namang magpipinsan. Masaya siguro kung ganun.”

Napatingin sakin sina Rhien at Pryce ng masabi ko yun. This is my insecurities and it always hunts me. Yun kasi yung mga bagay na hindi ko naranasan. I had a broken family that made my life in it's own upside down. I never had a chance to see my biological mother. Kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi kailanman mabubuo ito.

“Masaya na magulo din. Parang kami kasi ang counterpart ng mga Montefalcos.” nakangusong sabi ni Pryce at inayos ang sided bangs nya. “Montefalcos?” tanong ko dahil wala naman akong kilala na Montefalco e.

“Yeah. Montefalco clan. They're the hunks and beauty of Xavier University... Marami din sila at MAS marami sila kumpara samin. And I believe that all of them carrying the name of being Montefalco. Puros lalaki yata ang mga naunang generation kaya ganon.” paliwanag ni Rhein na syang ikinatango ko.

W-wait.. parang may naalala ako e.

“Ah wait. Is there a certain Knoxx in those Montefalcos?” tanong ko. Tumigil si Pryce at humarap sakin. “Uh-huh. I heard it from Kuya kasi nadayo sila minsan doon sa school nila. Why?”

“Nothing. Naalala ko lang. I have this friend from Alegria.”

Tumango naman sila at hindi na nagtanong pa.

“Pero sa aming lahat ay si Keige at Krimmy ang hindi gaanong kilala dito sa Cagayan. Kasi naman parehong laking States tapos si Krimmy hindi masyadong naglalalabas.” dagdag ni Pryce. “Keige is a monster when it comes to Krimmy. Napaka-protective na kapatid. But not in a way that he's jailing her.”

“But still, don't wanna try messing with him.” ani Rhein at inakbayan ako. “Sinasabi ko sa'yo Kolyn. If you're seeing Pierce as a galwhore, bet that you won't like how Keige plays. Mas malala siya sa kay Pierce. Sya yun tipong luluhuran ng mga babae, maikama lang sila.”

Napahinto ang ngisi ko ng marinig iyon kay Rhein. Sumulyap ako kay Pryce na tumatango sakin. Da hell? He's the worst.

“I am no everything, girls. Siguro naman hindi ako yun tipo na paglalaanan ng oras ng ganong tao.” pabirong sabi ko.

Nahuli ko pa na nakatitig sakin si Rhein at parang may hinahanap sa mukha ko kaya mabilis ko iyong kinapa.

“B-bakit?”

Umiling ito at ngumiti ng tipid, “Wala. May naalala lang ako sa mga mata mo. Parang may hawig kasi e.”

“Ah..kala ko naman kung ano na.”

Paakyat na kami sa building ng ComScie kung saan naroroon ang room namin ng harangin kami ng isang babae na umiiyak.

“A-arien? Arien Campo Divina?” bulalas ni Pryce. Tama!

Sa pagkakaalala ko ay ito yung sinasabing girlfriend ni Pierce. Pero bakit naman sya naiyak?

“Hey Arien. Why are you crying? Nasan si Kuya?” aligagang tanong ni Pryce at saka dinaluhan ang umiiyak na dalaga.

Napatingin ako sa paligid at umaasa na baka makikita ko si Pierce pero wala.

“That's why I'm here, P-pryce. Itatanong ko sana k-kung... ” umiiyak na nagpunas sya ng luha, “..kung nasan sya. N-nasan si Pierce?”

“Hindi din namin alam e.” kunot noo na sagot ni Rhien. “May nangyari ba? May ginawa ba sa'yo ang gago kong pinsan?! Tell me.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After We Met (AFTER TRILOGIA SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon