First Summer

31 2 2
                                    

"Ma! Please! Si Oli na nalang kina lola dun nalang ako kina Tito Green."

"Dun ka na last summer diba? Pagbigyan mo naman yung kapatid mo." lumabas si mama sa kwarto.

Nakakainis! Bakit ba kasi hindi nalang sina lolo't lola ang dumalaw dito. Kailangan isa pa samin ni Oli ang pumunta. Note, magstay for whole vacation. Ayoko dun eh! Puro puno, tahimik pa at 4 hour drive to city my goodness! Paano ako makakatagal kung walang bar dun!

"Eli dalian mo nandito na ang lolo mo!" akala naman ni mama madaling magempake! Padabog kong pinagsisiksik lahat ng gamit ko sa maleta. Hindi man lang ako makapagdala ng swimsuit or pang party dress. Puro PJs and shirt lang jusko!

Habang pababa ako ng hagdan rinig na rinig yung footsteps ko tapos yung 'bag!' ng maleta. As in, malakas talaga na napagkamalan pa ni lolong putok raw ng baril.

Nagbless ako kay lolo tapos siya narin ang naglagay ng gamit ko sa sasakyan.

"Lo, kakain muna po ako!" sigaw ko habang nilalagay ni lolo yung maleta sa sasakyan.

Nagpunta kong kusina nakita ko si Oli na kumakain na ng breakfast. Umupo ako sa tabi niya. Nakabusangot, sinaway ako ni mama pero di ko pinansin. Inis ako sakanya

"Bakit ba hindi nalang muna ikaw kina lolo?" tanong ko kay Oli na ngumiti lang.

"Huy, sabihin mo kaya kay mama diba malakas ka naman sakanila?" inubos muna niya yung nasa bunganga niya na inabot pa ata ng isang daang nguya bago nilunok.

"Ayaw ni mama eh. Sabi niya para daw matigil ka sa pagpaparty mo." so talagang planado na ng nanay ko ang lahat. Goodness!

Nawalan ako ng gana kaya binaon ko nalang yung supposedly breakfast ko.

30 minutes palang kaming nagbabiyahe pero akala mo inabot na kami ng isang taon di parin kami nakakarating. Ang asim parin ng itsura ko habang kinakain ko yung bacon. Jusko, di pa kami nakakarating pero gusto ko ng umuwi saamin.

"Eli panis na ba yang bacon?" tanong ni lolo. Kumagat ulit ako to make sure kung panis nga.

"Hindi naman lo. Bakit po?"

Lolo smiled. "Ang asim kasi ng mukha mo." ngumiwi ako. I looked wan.

"Ha ha ha. Ang corny ng joke mo lo." sabay tingin ko sa labas tapos umirap. Pero natawa narin ako after.

"You'll gonna enjoy there, Eli." tinignan ko si lolo na parang last day niya na to. Di kasi ako makapaniwala!

"How sure are you, lo?" he shrugged and answered.

"Hundred percent sure. Malapit tayo sa gubat, and I'm sure you know what's inside the forest." I looked at him shocked.

"What's inside?" nagtanong pa ko alam ko naman ang sagot! Tinignan ako ni lolo yung mukhang may alam na hindi ko alam. Para siyang baliw.

"Mystery. Ha.Ha.Ha.Ha."

"Ang creepy mo lo!" lolo laughed like he's a psycho. Nakakapanindig balahibo! Feeling ko mababaliw rin ako kapag tumagal ako sa bahay ni lolo. Jusko po.

~
Enjoy and leave a comment.

First SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon