Beacon City

14 2 2
                                    

Gising na ko pero wala akong gana magmulat kasi nga nasa biyahe parin kami. My gosh alas-siete na ng gabi nasa biyahe parin kami! Lost town ba ang pupuntahan namin at anong oras na di parin marating-dating. Papertown ba 'to?

15 minutes na kong nakapikit and sad to say nasa gubat?

"Lo, asan na tayo? Gubat na to ah!" napaayos ako ng upo. Sumilip ako sa labas pero halos wala akong makita dahil sobrang dilim at wala man lang streetlights. Yung ilaw lang ng sasakyan ni lolo ang nagsisilbing ilaw namin.

"Shit lo, nawawal na tayo!" napatawa lang si lolo kaya tinignan ko siya yung matalim na titig ba. Nawawala na nga kami tumatawa pa. Kung hindi ko lang to lolo, nasapak ko na ng di oras eh.

"Hindi tayo nawawala. Malapit na tayo oh. Kita ko na yung signage."

Hindi nga nagkamali si lolo. Ilang saglit lang nakita ko na yung signage ng Beacon City. After ilang minuto lang may nakikita na kong mangilan-ngilan na tao, tapos small stores.

Pinark ni lolo ang sasakyan sa isang kainan.

"Dito na tayo? Asan ang bahay niyo, lo?"

"May dadaanan lang ako saglit. Dito ka nalang." naiwan ako sa sasakyan. Ayoko rin ngang bumaba baka mapagtripan pa ko dito duh. So, nagobserve nalang ako. Wala man lang malls or kahit yung malalaking shops. Puro small stores, resto, and nagtwinkle ang mga mata ko. May bar! I thought mabubulok ako dito hindi naman pala.

Nakatingin lang ako sa nag-iisang bar dito. I could still hear the music kahit na nasa loob ako. Then, I saw 10 guys entered. Nakablack jacket sila tapos yung iba puno ng tattoo ang katawan. Napasinghap ako. No. No! No way in hell na pupunta ko diyan. Mga mafia ata ang mga yun. Oh my gosh! Hindi safe ang place na to!

Nagpapanick na ko nang pumasok si lolo sa sasakyan.

"Lo, hindi safe dito! May mga mafia dito. Look oh!" tinuro ko yung sampong lalaki na naninigarilyo na ngayon.

"Safe dito apo."

"Safe? Eh paano kung salubungin tayo ng mga yan ano nang mangyayari satin after? Baka itapon tayo sa dagat or ako. Baka i-rape nila ko lo!" pagngangawa ko. What is this place, really? Oh my hindi ako safe dito!

"Mafia lang ang mga yan. Wala silang panama kay Theodore Martinez." oh.my.gosh. Tinignan ko si lolo na tiwalang-tiwala sa sarili. Matanda na lahat-lahat ang yabang parin.

"Oh my gosh baliw ang lolo ko."

Almost an hour pa ata kaming nagbiyahe bago kami nakarating sa bahay ng lolo't lola ko. Bumaba ako ng sasakyan tapos nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Para siyang probinsya na sobrang tago tapos puro puno or gubat na nga ata. Marami ding bahay. Meaning maraming baliw ang nakatira dito.

So, Eli welcome to Beacon City. A place that isn't for you. Gosh! Dito ka na mababaliw!

First SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon