Chapter 1: Ten years ago..

499 39 33
                                    

Ten years ago..  


Nandito ako ngayon sa hallway, kasalukuyang papuntang locker ko para kunin ang mga gamit ko para sa subjects ko mamaya. Pagkatapos ay naglakad na ako papuntang classroom.


"Oy, Baekhyun! Morning~"


"Morning, Byun~"


"Baekhyun oppa~ Good Morning~"


"Good Morning Baek oppa~ Ang gwapo mo today ~ hihi"


Habang naglalakad, lahat ng mga nakakasalubong ko ay bumabati ng kani-kanilang good mornings sakin.


"Good Morning din sainyo~"


And as a good school mate, syempre binati ko rin sila pabalik. Kilala ko man o hindi.


Maya maya't may sumigaw ng pangalan ko.


"BYUN BAEKHYUN HYUNG!!"


Nilingon ko naman ito at napatigil sa paglalakad.


Ahh.. Si Kai.


Nang makita niya akong huminto, tumakbo naman siya papunta sakin.


"Hyung, Meron daw tayong football game, kalaban daw natin sila Luhan hyung and other guys from class one after school. Sama ka?" Hingal na hingal niyang sabi nang makalapit siya sakin.


Football game?


Kailan pa naging interesado tong mokong na to sa football?


Ang alam lang nito mambabae eh. At tsaka, sila Luhan daw? Maglalaro ng football?


HAHAHAHA!


Patay tayo jan.


"Ano? Sama ka ba?" Tanong niya.


"Sure na mananalo tayo pagsumama ka." Dagdag niya.


Ayuun, sabi na eh. Aasa tong mga to sakin eh.


Hindi ba nila kaya maglaro na wala ako?


"Ayoko."


Masanay silang wala ako.


"WEW. Baduy mo talaga. Sali ka na!"


Bahala sila.


"Mang-chix ka na lang! At tsaka, kailangan kong umattend ng cram school ngayon."

[EXO's Baekhyun Fic] The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon