Who want second gen. Of lockheart series? Let me know pls. :)
Hindi ko alam kung paano ba ito nagsimula. Basta alam ko nagising nalang ako isang umaga na hindi ko na alam kung paano ba pipigilan ang puso kong nag mamahal. Kung paano ko ba ito pakikiusapang iba na lang. Wag ikaw. Pero bawat araw na lumilipas, mas nahuhulog ako. Bawat oras na dumadaan mas lumalalim ang pagkagusto ko sayo.
Sa tuwing nakikita kita, paulit ulit kong naririnig ang puso kong sinasabing ikaw na. Ikaw lang talaga ang mahal ko.
Sa tuwing hahawakan mo ako, nararamdaman ko ang init nang iyong balat na lumulusaw sa aking puso.
Sa tuwing ngingiti ka, pakiramdam ko nakakita nanaman ako ng anghel na bumaba mula sa langit at pumunta sa lupa para makasama ko.
Pero kalakip ng sarap sa pakiramdam tuwing kasama kita ang sakit na kahit anong gawin ko, alam kong hangang dito lang tayong dalawa. Ako nagmamahal sayo bilang isang babae, habang ikaw minamahal ako bilang isang nakababatang pinsan, na handang laging nadyang tuwing aking kailangan.
Alam kong mali, hindi ito tama. Pero paano ko ba ito pipigilan? Paano ba pahintuin ang pusong patuloy na tumitibok para sayo? Sabihin mo namana oh. Paano ba?
Matagal ko nang gustong kumawala sa nakakasakal na pakiramdam na ito pero hindi ko magawa. Ayaw ko ng matali sa pagmamahal na ako lang ang nakakadama. Ayaw ko ng magkasala. Pero paano? Kung masilayan ka lang, nakakalimutan na ng puso ko kung ano ba ang pinag kaiba ng mali sa tama?
Gustong gusto ko ng sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Gusto ko ng malaman mo na hindi lang kuya ang tingin ko sayo. I love you Miko, ever since I was a kid I already love you. Akala ko simple lang to. Hindi ko inaasahan na hahantong sa puntong halos hindi na ako makahinga dahil sa pagpipigil ko ng damdamin na to para sayo. Mahal na mahal kita. Nangangarap ako na sana balang araw, kahit malabo. Mag karoon ng tsansa na mahalin mo rin ako. Na sasamahan mo akong lumaban para sa damdaming parehang bumubuhay at pumapatay sa buong pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 5- His Heartbreak
General FictionRated SPG. Kids Beware! Josh Hendrix Lockheart, a man who is not good to be loved dahil natatali sya sa pagmamahal sa babaeng kasal na sa iba. Loving this kind of man will only make you suffer. But not for Vanessa Galupa. For her, loving Josh is bot...