Panimula

0 0 0
                                    

Habang naiinip si Pidong sa paghihintay sa pulang langit na noon pa man ay kanya nang pinaghuhugutan ng kaligayahan, naisip niyang maglakad-lakad. Ikalawa pa lamang naman ng hapon at nasa batisan pa si Aling Andora upang doon mairaos ang mga palaba. Wala na siyang tatay. Nalagutan ito ng hininga bago pa man maipanganak si Pidong dahil sa hindi malamang karamdaman.

Nakaabot na ang bata sa talahiban at doon ay humanap ng bakanteng lugar. Pagdating niya roon ay nadatnan niya sina Tonet, Milan, Joni at Carlos na nagpapahilian ng kanilang napanalunang teks. Napansin niyang papaiyak na si Tonet kaya't niyaya na lamang niya ang apat na maglaro. Tinanong ng apat kung anong laro at agad ay kinapa ni Pidong ang kanyang bulsa at naalala ang holen dito. Mula doon ay ipinilit niyang holen na lamang ang laruin.

Nagsimula na nga siyang maghukay ng butas na pagpapasuotan ng mga holen. Medyo malalim na ng may nakapa ang kanyang daliri sa ilalim ng lupa.

"Bola yan!" sigaw ni Tonet.

"Baka naman kayamanan." bulong ni Carlos.

"Tumulong na tayo sa paghukay!" mungkahi ni Joni.

"Tara!"

Sugatan na ang mga daliri ng lima nang may makapang butas sina Carlos at Pidong. Marahang hinila ng dalawa ang nakabaon pa ring bagay at tumambad sa kanila ang isang...

"Bungo!" sigaw ni Tonet.

L silang lima ay nanghihilakbot na tumakbo pauwi...

"Inay, may nakita po kaming bungo  sa talahiban noong naghuhukay kami para sa paghoholen. Nakakatakot po!" pagsusumbong ni Milan.

"Ikaw talagang bata ka. Kung saan-saan ka naglalaro. Lagot ka kung may nakakita sa iyo roon. Alam mo bang may kwento ang bungong iyon?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BungoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon