Tahimik na natapos ang unang lingo ng klase. Mababait lahat ng naging classmates ko maliban sa isa na medyo maangas siguro dahil may katandaan na siya. Hindi sa man haters ako, pero hindi ko siya gusto kahit hindi ko naman siya kilala.
Lunes, maaga ako pumasok dahil may exam at mas pinipili ko na sa school na lamang mag aral. Habang nakaupo ako sa bench ay may humintong lalake sa harap ko at bigla na lamang pinisil ang aking baba. Sa kabiglaan ko ay muntik ko na ito masapak, mabuti na lamang may isa akong kamag-aral na maagap at nahawak ako sa braso.. Siya pala, oo siya yung sinsabe ko na maagas. Si Alex Porte. Minsan na siyang ginawang tuksuhin sa klase dahil sa kakaiba niya na apelyido . Base sa kanyang mukha ay tuwang tuwa pa siya na muntik na siya masapak.
"May nakakatawa ba?" Yun ang unang bagay na nasabe ko.
Sa totoo lang isang linggo na ang lumipas pero ngayon lang ako nakipag usap.. Hindi ko na naisip ang pakikipag kaibigan matapos ang mga pinagdaanan ko.
"Ang cute mo kase,ang aga aga nakasimagot ka" natatawa na tugon niya.
Sa sobrang inis ko ay padabog ako pumasok sa loob ng laboratory at kasunod ko siya.Ano nga ba ang course ko? BS psychology ang pinasok ko, kung bakit ito ang napili ko ay hindi ko alam.. Siguro sa abnormal na katulad niya ay hindi na nakakpagtaka.
"Pst" narinig ko sa likuran ko pero hindi ko pinansin.
Maya maya pa ay dumating na ang magiging teacher namin, nag buklat siya ng libro na tila ba may binabasa. Malamang magpapasulat nanaman yan. Tumingin siya sa paligid at ng walang makita ay tumingin sa akin.
"Ms.Cleo lumipat ka muna dito paki type mo to habang nasa meeting ako"biglang sabe niya at tumayo.. Bago lumabas ng pinto ay kinausap nya pa ang Mayor ng klase at sinabihan n ipakopya sa lahat ang lalabas sa screen ng projector at mag lista ng tatayo sa upuana lalo na ang mag-iingay. Kaloka ginawa pa kame bata na grade 1.
Habang nasa kalagitnaan ng pagta type ay bigla nagloko un aircon ,ang init na ng pkiramdam ko dahil hindi umaabot sa akin ang hangin na nag-mumula sa ceiling fan. Pero sige parin ako tuloy sa pag type dahil isang pages nalang naman ay tapos na. Nang di umanoy may lumipad na maliit na papel sa ibabaw ng lamesa na katabi ko.
"Pinagpapawisan kana dyan" yun ang nakasulat, hindi ko nakita kung saan galing peo my sumunod pa na papel ang lumipad sa lamesa.
"Pwede kita phiramin ng sando ko pang punas sa pawis mo" with smiley pa. Bigla ako napahampas sa mesa at natingin sa gawi ni Alex. Hindi ako sigurado pero malakas ang pakiramdam ko na sa kanya iyon galing at hindi aq nagkamali sapagkat ngiting-ngiti pa siya.
YOU ARE READING
ikaw o ako?
Short StoryMinsan may mga bagay na mahirap ipaliwanag, yung iisipin mo kung ikaw o ako nga ba? Maari na ikaw o ako ang tama subalit possible rin na maging ikaw o ako ang nag kamali. Ano nga ba? O mas tama itanong ay "sino nga ba?" Nakaka lungkot isipin na yun...