NoComNoStrngsAttched: Part2 "Paolo as a Survivor"

89 0 0
                                    

PART2 "Na-operahan ako (Paolo as a Survivor)"

Mga isa o dalawang buwan kaming ganun ni Lexa.

Hindi kami masyadong magkatext, magkausap o magkasama.

Yung feeling na, hindi mo feel na kayo, pag hindi kayo magkasama.

Gets mo? Hahaha!

Parang nagiging cold na kami sa isa't isa. Mga ganun. Hahaha!

Minsan nga nag-text kami.

"Oyy kumain ka na?"

"Di pa eh. Ikaw?"

"Di pa rin."

"Ahhh... Sige."

Minsan hanggang diyan lang yung usapan namin sa text. Hindi na ko nagrereply. Kasi wala na ako mareply. Hahaha!

Kaya hindi ko na alam kung ano nangyayari sa kanya. Di ko na alam kung ano meron sa kanya.

Kahit kamusta, hindi ko natatanong... Ewan ko ba. Wala na kaming communications. Hahaha!

(Last month of School Days)

Sunday 5pm:

Hindi pa ko kumakain ng hapunan kaya nag grocery kami ng kuya ko.

Binili namin lahat ng gusto naming kainin. At yung mga kailangan namin sa araw araw.

May nakita ako...

"Yogurt Strawberry Flavor Buy 1 get 2 free"

Kinuha ko. Dahil favorite ng mama ko yun. Binibili niya dati yun palagi, pag nag grogrocery kami. Kaya kinuha ko din. At naisip kong, ang tagal ko ng hindi kumakain ng yogurt. Siguro this time, matikman ko ulit yung lasa ng yogurt.

Kinuha ko yung yogurt, kasabay ng 15 na yakult. O diba? Healthy? Hahahaha!

Pag-uwi ko sa bahay. Kinuha ko agad yung yogurt, at binuksan. Kasi gutom na gutom na ko. Wala pa akong kain eh.

Siyempre, para akong abnormal kasi inamoy amoy ko muna yung yogurt. Hindi tumagal. Nakalahati ko na yung yogurt.

Nauumay na ko! Hindi naman kasi talaga ako kumakain ng yogurt. Haha! Sinubukan ko lang ulit!

Sumakit na yung tiyan ko! Hindi ko alam kung bakit. Pero baka kabag lang yun. O baka, epekto ng hindi pa kumakain.

Inubos ko na yng yogurt. Kahit umay na umay na ko. Woo! Kaya lalong sumakit yung tiyan ko! Sobrang sakit.

Yung nakabaluktot na ako maglakad. Hahaha! Para na akong kuba.

Tinitiis ko muna yung sakit. Kasi nga baka, gutom lang ako. Kaya uminom ako ng yakult! Dalawang yakult!

Kasi diba sabi ng commercial, nakakagaling daw ng sakit ng tiyan ang yakult. Kaya nawala ng konti yung sakit.

Nag-order kami ng kuya ko ng Jollibee. 2 piece chicken sakin! Syempre :D

Di ko naubos yung pagkain ko. Dahil nga sa sakit ng tiyan ko.

Sunday 8pm...

Natulog na ko. Dahil nga sobrang sakit ng tiyan ko. Hindi ko na kayang gumalaw ng matindi. Hahaha!

Buti naman at nakatulog ako ng matagal. :)

Nagising ako ng 12 midnight...

Monday 12 midnight:

Sobrang sakit na talaga ng tiyan ko. Di ko na kaya to! :(((

Kaya tinawagan ko na yung tatay ko...

"Hello tay!"

Sumagot siya, "Sorry you're remaining balance is not enough to make a call. Please reload"

Kaya nagText na lang ako sa tatay ko...

via text, "Tay. Sakit ng tiyan ko. Sobra!"

After 2 minutes...

* Tenenenenen ten ten. Tenenenenenen ten ten! * (Nagri-Ring yung phone ko.)

"Hello? Tay?"

"Oh? Gaano ba kasakit? As in masakit?"

"Oo masakit talaga eh"

"Sige mag-init ka ng tubig tapos lagay mo sa bote, tapos lagay mo sa tiyan mo."

Ginawa ko yung sinabi ni tatay. Buti nakapag-init ako ng tubig, at nakapaghanap pa ko ng bote.

"Tay masakit pa din!"

Maraming sinabi si Tatay na gawin ko yung ganto, ganyan. Pero wala talaga.

Uminom na ko ng gamot. Pero wala pa din.

Dinala na ako ng kuya ko sa ospital...

Naka wheel chair ako nun naghihintay. Habang hinahanda nila yung magiging kwarto ko.

Maraming ginawang observations sa akin. Para malaman daw yung sakit ko.

Hindi lang daw basta sakit ng tiyan yung sakit ko.

Maraming dumalaw sakin nun sa ospital.

Yung teacher kong si Sir John, yung Pastor ng school namin at iba kong kaklase.

Kinwento ng pastor ng school namin yung nangyari sakin sa school.

Pinag pray nila ako. Maraming nag pre-Pray sakin, para gumaling na ako. Hahaha! Naks! Special noh? :D

Dumalaw din sakin si Lexa...

Pagtabi niya sakin, niyakap ko agad siya. Ng matagal :)

Nakakamiss din pala noh? Yung akala ko nasanay ka ng hindi mo siya kasama palagi, hindi mo siya kausap o katext.

Pero hindi pala. Nung nakita ko siya, sobrang namiss ko siya. Kaya nagyakapan kami :) keleg mats. Hahaha!

"Miss mo ko?"

"Hindi, kaya nga niyayakap kita ngayon eh"

Simula nung araw na yun. Lagi siyang dumadalaw. Lagi ko siyang nakikita sa kwarto ko. Bnabantayan niya ako.

Nandun din sila Rhian, Bobby at yung teacher kong si Mam Lababs at Sir Niel :) at yung buong section namin. Hahaha! napaka Blessed ko naman! Hahaha!

Palabas na ako sa ospital...

Lumipat na din kami ng bahay. Nakatira na kami sa condo hehe.

Simula nung lumipat kami. Lagi ng merong dumadalaw sa akin. Sila Rhian, Drian, Jewel, Jina, Bobby at Lexa.

Lagi silang nandito sa bahay. Hahahaha!

Syempre lagi na din nandito si Lexa. Wala lang. Siguro, sya na yung gunagawa ng paraan para magkasama kami.

Wait! Nagtataka kayo kung bakit yung babae yung pumupunta sa bahay ng lalaki?

Kasi nga nag tatago kami sa magulang niya. Bawal ako pumunta sa bahay nila. Kaya siya na lang pumupunta sa amin.

No commitment, No Strings attached. (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon