NoComNoStrngsAttched: Part3 "Minsang Lumamig ang Summer!"

61 2 0
                                    

PART3 "Minsang Lumamig ang Summer!"

Halos araw-araw nandito si Lexa at Bobby sa bahay. Lagi silang pumupunta dito.

(Fact: Tatay-tatayan ni Lexa si Bobby. Kaya sobrang close sila, at lagi silang magkasama.)

Nagulat na lang ako, may kumatok sa pintuan namin.

*DUGDUG! DUGDUG!* 

"Sino kaya to? Lakas pang kumatok!"

*Binuksan ang pinto. Niyaaaawrk*

"Hi Paolo! Kami ulit! Nagyayaya kasi palagi to si Lexa na pumunta daw kami dito sa inyo."

"Hoy! Hi!"

(Sila na namang dalawa...Ano ba yan.) "Oh Lexa! Bobby! Andito kayo! Haha! Ansaya naman!" (Jusko. Wala akong mapapakain sa mga to! -.-")

Oo, silang dalawa na naman. Sila Lexa at Bobby. Andito na naman sa bahay. Hindi ko alam kung gagawin nila dito sa bahay. Hahaha! Bahala sila diyan.

Nung nakita ko yung mukha nila sa pinto... Hindi ko alam kung bakit hindi ako na-excite. Parang normal na lang kasi sakin na nandito sila sa bahay...

Simula nung na-ospital ako. Lagi ng pumupunta si Lexa dito. Lagi ko na siyang nakikita. at lagi ko na siyang nakakausap. Hart hart! Oh ha! :)

Siguro pagpapakita yun ni Lexa na gusto niya ko makasama palagi. Hahaha! Yie! Keleg mats :D

Naa-appreciate ko naman yun. Kasi siya talaga yung gumagawa ng paraan, para magkasama kami palagi. Wala din akong magawa, o may mabigay sa kanya. Kasi bawal pa ko umalis ng bahay. kasi naoperahan ako. Awww :(

Mabuti nga si Lexa na ang pumupunta samin. Para mas lumakas ang pag-ibig namin sa isa't isa.

As usual, yun at yun pa din ang ginagawa nila sa bahay... Nakaupo sa sofa, Nag-uusap, at... Ewan ko ba. hahaha! Kung ako nga walang magawa dito sa bahay, pano pa sila? Wala akong mapapagawa sa kanila kung ako din ay walang magawa... :( 

Kaya naligo muna ako... Syempre, may concert na naganap! Medyo natagalan yung concert...

Paglabas ko sa banyo. Nakita ko si Lexa at Bobby. Magkayakap sa sofa namin... 

Muntik ko nang masabing: "Totoo ngang ang ahas, hindi lang sa gubat matatapuan... Sa sofa din namin!" Pero... Okay lang yun. Di na lang ako nagsalita.

Palagi naman silang magkayakap at nag sasabihan ng "I love you". Iniisip ko na lang na, magtatay sila. Kaya sila sweet. Pero hindi talaga eh. Nakakaselos talaga eh! Pero hindi, mag tatay sila. Pero hindi talaga eh. Nakakaselos talaga eh! Lol...

Pero siguro kahit anong pilit mo sa sarili mo at kahit ilang beses mong sabihin sa sarili mo na, hindi ka magseselos. Magseselos ka pa din.

Fact: Kahit sinong lalaki ay magseselos kung makita nila na may kayakap na iba ang girlfriend/ka-m.u nila. Kahit sino pa yan. Except sa tatay. Pero kahit sabihin man nyang "Bestfriend" lang nya yon. Nakakaselos pa din. Masakit eh! :(

"Uy paolo. Bat' parang mas sweet pa sila? Haha!"

May nagsabi sakin, na kung bakit daw mas sweet pa sila. Ang sagot ko,

"Magtatay yan! Syempre!"

Tinanong naman ako ni Lexa kung nagseselos ako...

"Paolo, nagseselos ka ba kay Bobby?"

"Ah? Ako? Hindi ah! Sus. magtatay nga kayo diba? Haha! Hindi ako magseselos. sus. Ts."

Hindi ko na sinabi kay Lexa na nagseselos ako Bobby. Kasi ayoko naman siyang ilayo sa mga kaibigan niya. Kailangan kong tiisin ang selos na nararamdaman ko. Bawat kwentong sinasabi nya sakin tungkol sa mga kaibigan niya...

Hindi ko kayang ilagay yung ngiti sa bibig niya, katulad ng ngiti niya kapag kasama niya yung mga kaibigan niya... 

Hindi ko alam kung bakit naisip ko, kung wala kaya ako sa buhay ni Lexa. Hindi siya gaano malulungkot, kasi nandyan naman yung mga kaibigan nya. Nandyan naman si Bobby. para pasiyahin siya. 

Dun ko nalaman na, ganun pala kabuting kaibigan si Bobby. Kaya niyang pasayahin si Lexa. 

Buti pa siya, napapasaya niya si Lexa. Ako, parang hindi ko na ramdam na kiinikilig siya sakin...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No commitment, No Strings attached. (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon