Wala Lang - Ano ba talaga ang ibig sabihin?

52 0 0
                                    

Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng "wala lang"?

Wala raw pero obvious naman. Dine-deny, pero totoo naman. It comes out natural. Intentions nito ay maganda naman daw.

Pero bakit "wala lang" ang sinasabi kahit meron naman talaga? Nahihiya? Natotorpe? Natatakot? Nakalimutan? Nagpapahabol? Nagpapakipot?

Wala lang, ngunit merong laman. Ambiguous, vague, malabo... Mahirap maintindihan. Pero kung ikaw ang magsasabi ng "wala lang" sa kausap mo, ano ang ibig mong sabihin? Nakangiti...nakasimangot...kahit sa ano pa mang paraan, ang "wala lang" ay nagpapahiwatig ng kagustuhang may makasama, makausap, makapiling. Ano nga ba talaga? Wala lang. Wala.

"Would you rather confess your love and get hurt or would you keep it by yourself and continue to love but still get hurt?"

'Pag sinabi mo na mahal mo ang isang tao at pagkatapos, ika'y nasaktan, masarap ba ang feeling? O mas masarap ang magmahal na lang sa kalayuan at hindi maipagtapat ang nararamdaman? Parehong masakit. Parehong masarap. Pero kung titimbangin, ano nga ba ang mas masakit? You confessed, got rejected, got hurt. But the pain will go away, at least, nasabi mo. No regrets daw.

You decided not to tell, you will love her/him, but you will see her/him love another person and you get hurt. At least, mahal mo, kahit masakit, masaya naman siya. So, ano sa dalawa ang mas masakit? Wala. Masakit ang hindi magmahal. So, wala sa dalawa. Wala.

"What would be the greatest lie in the world?"

Sabi ng iba, destiny happens. Fate interferes. Liars. Believing that fate or destiny is controlling your life is a great big lie. It does not control us, we control it. It is us who decide what to do, what not to do. If someone falls in love, you are never meant for each other, unless you make it happen. Unless you DECIDE to be destined with each other. Eh pano kung namatay ung minamahal mo o nawala siya sa buhay mo? Still, it is in the person to decide whether to accept his loss or not. Doon sa naiwan na tao nakasalalay kung habang buhay ba siyang magkukulong sa pait at sakit. Choice nya un. 'Ika nga: the man is the weaver of his soul. So ano ang sasabihin mo kapag nagbreak kayo ng syota mo? Just say, "We DECIDED we were never meant for each other."

Now, folks, this is the summary of this crappy piece of work:

"How will you know that you have fallen in love?"

Sa una, WALA LANG talaga. You deny na MERON talaga. And when you GET HURT, kasi meron siyang iba or you are AFRAID, kasi baka layuan ka, aba teka, pag-ibig na nga ba? That's the time you DECIDE, kung in love ka na ba or hindi pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala Lang - Ano ba talaga ang ibig sabihin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon