Salamat

10 0 0
                                    

Madaling araw palang ay mulat na mulat na ang aking mga mata. Sa wakas, matatapos na ako sa kinuha 'kong kurso. Ito ang pinaka-masayang araw dahil itong araw na ito ay ang graduation namin. Kung hindi siguro dahil sa lalaking iniibig ko, hindi ako makakarating dito. Siya kasi ang nagtuturo saakin kapag hindi ko maintindihan yung isang topic. Masaya ako dahil parehas kaming g-graduate. Ngunit ngayong araw ding ito, guguho ang mundo ko. Pagkatapos kasi nito, pupunta na siya sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang pangarap niya. Ngayong araw namin pagd-desisyunan kung-

"Wooooo!!"

Bigla akong nagulat at kinalimutan ang iniisip ko. Biglang sumigaw ang nanay ko.

"Anak! Anak!" Tawag ng nanay ko na nagmamadali na at excited na excited na.

"Teka lang po inay, malapit na pong matapos"

Ngayon ang pinaka-masayang araw ko. Ito na 'to!

-//

Matapos ang graduation ko, lahat kami'y nagbatian. Proud na proud ang mga magulanh ko saakin dahil Cum Laude ako. Ngunit hindi ko mahagip ang Mr. Cum Laude ko. Nasaan na kaya yun? Nabalot ng lungkot ang mukha ko nang maalala ko ang tungkol saamin. Nawala ang katahimikan ko nang biglang may kumalabit saakin.

"C-congrats uy-- Nan- nandiyan ka pa-pala.." Hindi ko matuloy ang dapat na sasabihin ko, naiiyak na ako na parang ewan. At ayun na nga, dineretsa niya na ako. 

"Ah- ano kasi.. alam mo, mahal na mahal kita--" Hindi pa niya natutuloy ang sinasabi niya. Kita ko ang luha sa mga mata niya. "N-ngunit ang puso ba ang susundin o ang mga pangarap natin?".

-//

Pinili namin ahg pangarap kaysa sa relasyon namin. Nagkahiwalay kami ngunit sinabi niya saakin na maghihintay siya kahit gaano man iyon katagal. Ang pangarap niya ay maging singer at ako naman ay actress. Siguro kung kami talaga para sa isa't isa, magkakasalubong ang landas namin balang araw. Pero kung hindi, hindi talaga kami para sa isa't isa. Iyun na yun eh, pinagtagpo pero hindi itinadhana. Sa huling pagkakataon, kami'y nagyakap at nag-iba na ng landas.

-// Pagkalipas ng pitong taon..

Ako na ay isang populat na actress. May pamilya na ako, at masaya ang buhay ko. Ngunit isang araw, pumunta ako sa isang music festival. Kasama ko ang pamilya ko at pumasok kami doon. Tiningnan kong mabuti ang lalaking kumakanta sa stage na iyon. Mukhang pamilyar?- s-siya! Siya nga! Siya yung lalaking- siya ay napaka popular na! Natupad nga ang pangarap niya. Pagkatapos niyang kumanta, bumaba siya at tiningnan ako sa mga mata. Kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Ngunit binigyan niya padin ako ng isang matamis na ngiti at sinabing "salamat". Parang sinampal ako ng katotohanan. Hinintay niya ako, pinatunayan niya ito. Ngunit, ako. Ako, hindi ko siya hinintay. Nalaman ko nalang na ang kanta palang iyon ay para saakin. Salamat. "I will still be there for you, kahit anong mangyari". Dagdag niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salamat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon