F.O.U.R Into Him

32 1 2
                                    

My First & Original Story :)

PROLOGUE

''Kailan kaya darating yung prince charming ko? Malapit na kaya siya? Nasan na kaya siya? Para ipasundo ko na'' sabi ni Faith.

CRYSTAL FAITH RED ang pinaka masayahin sa kanilang apat at ang mahilig mag day dream ng prince charming niya sa future. At dakilang feelingera.

'' kailan ko kaya mararanasan magkaro'n ng boyfriend? Yung ma ala LEE MIN HO ang datingan? O kaya kasing cute ni PARK BO GUM o kaya yung kasing galing sumayaw ni JEON JUNGKOOK. Yiieee!! Excited na ko.'' Sabi naman ni osner.

OSNER JANE BUENAVENTURA ang pinaka K-POPer sa grupo. subukan mong tanungin yan tungkol sa korean movie, drama, group and etc. Hindi ka niya uurungan sigurado pang masasagot niya sa loob ng isang minuto pero pasagutin mo ng isang mathematical equation kulang pa ata ang 24 hours bago niya masagutan. So alam na?

'' Panget naman ng prince charming na gusto mo osner!! Walang originality? At kailangang kopayahin ang mga quality ng mga koreano sa quality ng future boyfriend mo?!! Dapat chill lang sa pag de-day dream slowly but surely ika nga nila dapat ang mga ginugusto niyong lalaki yung pogi, matalino, gitarista, dancer, at higit sa lahat simple lang magmahal pero rock xD.'' Sabi naman ni Uoiea.

UOIEA GRACE LEDESMA ang kengkoy o nagsisilbing clown ng barkada. Kabaligtaran siya ni osner, kung si osner ay mahilig sa kpop pwes siya hindi actually nawiwirduhan siya sa mga babaeng taga pilipinas pero taga korea ang iniidolo. Ang dami naman na daw kasing gwapo sa pinas naghahanap pa ng iba ang malala pa nasa kabilang ibayo pa. At kung si osner ay math hater pwes itong uoiea math lover yung nga lang wag niyong pag-englishin at baka magkabuhol buhol yung ugat niya sa utak.

'' Puro kayo lovelife!! wala naman kayong lovelife. If i were you all? I will stop waiting for a person that who can be with you if he can so, you should focus on what you were doing okay?'' sabi naman ni roshanna.

ROSHANNA GRACE LEDESMA  so? Oo magkapatid sila ni uoiea actually di lang magkapatid kambal sila kaso itong si roshanna masyadong seryoso sa buhay pero matalino at the same time.

'' KJ naman nito!!'' Sabay sabay naman na sabi ng tatlo dahilan para magtinginan at magtawanan sila.

~~

Kung ganyan na sila ka-solid sa isa't isa?

Mas pipiliin kaya nila ang masaktan kapiling ang isa't isa.

O

Lumigaya sa taong mahal nila pero kapalit ang pagkawala ng matagal nilang pinagsamahan?

Mananatili pa rin ba sila sa pagiging magbabarkada?

O

hahayaan nalang nila ang nangyayari GO WITH THE FLOW nga ika ng iba.

Sabay sabay nating subaybayan kung paano nga ba iikot ang mundo nina Faith, Osner, Uoiea, at Roshanna sa iisang lalaki at kung matutuloy pa ang pagkakaibigan o tuluyan na bang matutuldukan.

F.O.U.R Into Him 💕Where stories live. Discover now