Chapter 1: hello grade 10

25 1 0
                                    


FAITH's POV

haaaay!! Ang bilis naman ng panahon parang kahapon lang grade 7 palang ako pero ngayon grade 10 na konting usad nalang senior high school na ko tapos college na.

Ngayon june 5 20** ang unang araw ko bilang grade 10 student. masaya? Oo naman, kasi feeling ko keri ko lang eh pero malungkot rin kasi sure din naman akong pahihirapan kami ng mga new teacher namin. Actually masaya talaga siya kasi classmate ko si crush. Emegesh!! Para kaming destiny or meant to be chorva chorva chu chu.... medyo sad lang kasi hindi ko classmate sila osner, uoiea, at roshanna from 7 to 9 magkaka-klase kami no'ng mga 'yon eh tapos bigla nalang kaming paghihiwalayin. :(

gaya ng nakasayan ng iba na introduce introduce yourself ay yun pa rin ang ginagawa namin ngayon. Kilala ko na naman na lahat ng classmate ko friendly ako eh ~_^

Pero syempre nung si crush na yung nagsalita sa harap pinakinggan ko siya. Enebe?! Se cresh yen eh!! <3

'My name is Francis jericho Montemayor, 17 years old, from 9-****' sabi niya sabay upo.

I know it's too short but it's okay :)

minutes had past and now it's my turn to introduce myself. Well lahat naman sila kilala ako sa ganda ko ba naman na ito? Hoho....

'My name is Crystal Faith Red but you can call me crystal or faith. I am 16 years old. From 9-****. Don't worry i'm kind to those who are not yet know me don't hesitate to approach me :)' sabi ko sabay balik sa upuan ko sa harap kasi ako nag speech eh xD

Tatawag pa si sir ng susunod sakin kaso bago pa siya makapagsalita ay bigla nalang siyang naunahan ng boses na nanggagaling sa mega phone ng building namin.....

'Attention to all grade 10 students and teachers please proceed to the covered court now'

Sabi ng boses na nakaagaw ng atensyon naming lahat.

What the? Ano nanaman bang gagawin sa covered court? Eh kakagaling lang namin dun ah kakapasok pa nga lang namin eh!

Bago pa man ako sapian ng kung anu-ano ay pinapila na kami sa labas na tamang tama lang naman kasi ganun din naman ang ginagawa ng ibang section.

Nang makarating kami sa covered court ay nanatili kami sa pila namin ganun din naman ang ibang section. Habang hinihintay ang kung sino mang magsasalita sa stage ay hindi ko maiwasang hindi ilibot ang paningin sa paligid nagbabaka-sakaling makita ko ang mga bff ko at baka alam nila ang dahilan kung bat kami nandito. Kaso wala hindi sila makita ng maganda kong mata :(

Bago pa ko maiyak ay may nagsalita na sa stage. Finally!!! After several hours.... charott lang yung several hours thingy sadyang ayoko lang talaga na pinaghihintay ako.

'good morning grade 10, hindi na ko magpapa ligoy ligoy pa. Our principal decided na gawing atleast 40 students per room or section so meaning to say mara-rumble ulit kayo ngayon. Then syempre ngayon niyo rin malalaman ang section niyo.' Sabi ni ma'am manahan.

Ano ba yan! Mara-rumble pala ulit kami? Pano nalang kung hindi ko na maging classmate si crush? :(

after almost 2 hours....

Here we go again, papasok na naman ako sa new room ko which is good kasi classmate ko ang bff ko but worst din kasi hindi ko classmate si cruuuush!!! T^T

'ma'am?'  Sigaw ng classmate ko with matching taas taas pa ng kamay magre-recite ba siya? Pfft.
'Magi-introduce yourself po ba tayo ulit?' Ah so yun lang pala kala ko something important. Pero oo nga noh? Uulit ba ulit ng introduce yourself? Aba ! Nakakapagod din ang paulit ulit ah.

'No, siguro naman kilala niyo na ang isa't isa kahit papano. Ako nalang siguro ang magpapakilala sa inyo. I am Ms. Lorelie cuizon ang adviser niyo at ang teacher niyo sa mapeh 10. Understood?' tanong niya dahilan para tumango kami.

Seconds, minutes, hours passed and now it's our break time. as usual magkakasama kaming tatlo pero nakakapanibago kasi ang tahimik nila? Anyare?

'May problema ba kayo? Bakit parang biyernes santo yang mga mukha niyo?'  Tanong ko sa kanila sabay subo ng spaghetti na kinakain ko tsalaaaap!!! ^_^

'Inaantok ako gusto kong matulog....' pupusta ko dahil yan sa kdrama kaya yan napuyat '....Ganda kasi ng pinapanood kong kdrama ang hirap tigilan yan tuloy almost 2 na ko nakatulog tapos ang aga pa ng pasok natin ang hirap mag-adjuuuust!! Huhu...' sabi niya sabay dukmo sa lamesa. See? It's about kdrama again and again yan lang yata ang ginawa niyang buong bakasyon eh. Tsk! Tsk!!

Napansin naman ata ni roshanna na nakatingin ako sa kaniya at alam niya na ang ibig kong sabihin.

'What? i'm fine naninibago lang ako sa temperatura pag kasi nagbe-break  time tayo last year mainit pero ngayon malamig na' sabi niya naman. Kung sabagay ako rin naninibago  panghapon kasi kami noon nung grade 9 kami kaya yun nakakapanibago.

'Ako naman wala akong problema. gumagaya lang ako sa katahimikan niyo uso ata eh kaya gora lang aketch!' Sabi naman ni uoiea. Non-sense answer.

Pagkatapos naming kumain bumalik na agad kami sa room nakita kasi namin ang schedule namin at nabasa namin na yung terror teacher ang next teacher namin kaya nagmadali na kami.

~~

PS: first time kong gumawa ng story kaya advance sorry sa mga magbabasa at makakakita ng errors. Enjoy reading! :)

F.O.U.R Into Him 💕Where stories live. Discover now