Long Run [Short story]

41 4 2
                                    

After many years of liking you, or should I say loving you. Why you still don't know that I exist? I guess it's still a long run for you to know that I'm here. - Raziel Anne

~

"Ano bang nangyari bakit hindi mo kasi nagawang umamin?"

Bakit nga ba?

Hanggang ngayon naaalala ko pa din siya isa siya sa mga lalaking kagusto-gusto sa classroom namin nun.

First year ako nang lumipat ako sa school na malapit sa nilipatan naming bahay sa Cavite. Unang araw nang klase nun at agad niyang napukaw ang atensyon ko. Hindi dahil sa pogi siya o malakas ang dating niya.

Yung halakhak niyang napakalakas ang nakakalakas ng dating niya. Lalo na yung ngiti niya.

Korny na kung korny pero alam mo yun ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganun kaganda ngumiti yung tipong kahit sobrang badtrip mo makita mo lang yung ngiting yun mapapangiti ka na din. Para yung isang virus, na sobrang nakakahawa.

Isa na rin siguro yun sa dahilan kung bakit halos lahat ng babae sa classroom namin e gustong maging ka-close siya. Kaya ako ayun na itsapwera na. Hinayaan ko na lang din, mukha naman kasing di ako yung tipo niyang babae para gawing kaibigan o tropa.

Lumipas yung mga araw ng di niya pa din ako napapansin. Kaso nagbago lahat nung naglipat ng upuan nun. Tanda ko pa sobrang saya ko kasi alphabetical orders yung arrangement. Dahil nga letter "S" ang unahan ng apelyido mo at "T" naman ang akin naging magkatabi tayo.

Pero siguro hindi talaga tayo meant to be para maging magkaibigan. Di mo pa din ako pinapansin kahit na konting space lang naman ang agwat natin. Lumipas na naman yung mga araw na yun, hanggang sa nagbago na ulit ng seating arrangements. Sobrang lungkot ko nun. Bakit hindi ako nabigyan man lang ng pagkakataon para makausap ka.

Nasa harapan na ako at ikaw naman nasa likuran, feeling ko mas lalo kang lumayo sa akin.

Pero nagbago lahat yun nung tumungtong na tayo ng 2nd year highschool.

Nabuo sa isipan at puso ko yung bagong pag-asa at determinasyon para makausap ka. Sabi ko pa nga nun sa sarili ko dapat matapos ang school year na to na close na tayo.

Pero sobrang saklap ng tadhana. Hindi nangyari ang inaasahan ko. Lagi ka pa ding nakasama sa mga tropa mo na mga varsity sa basketball at volleyball. Alam mo ba tinry ko mag training sa volleyball para lang sayo pero di gumana wala kasi talaga akong hilig sa sports, baka pag pinagsolve mo ko ng algebra siguro pwede pa.

Nung December, nakita kita sa mall bumibili ka ng mga rubbershoes nun na hula ko ay para sayo. Kaso nagkamali na naman ako, pambabaeng rubbershoes yung binili mo. Kaya inisip ko baka para sa ate mo.

Nung matapos ang christmas vacation balik na naman sa pasukan. Nagpaganda ako para sayo. Kung dati hindi ako naglalagay ng lotion at kung anong mga pampapaganda ngayon gumagamit na ko. Marami din ang nakapansin nun. Madalas na din akong kausapin ng tropa mo kaya naisip ko na chance ko na yun para mapalapit sayo.

Kaso nung time na yun, naging malayo ka sa tropa mo napabalita sa school na may nililigawan ka daw. Sobrang sakit nun alam mo ba? Iyak ako ng iyak nun ramdam ko sa sarili ko na ang tanga tanga ko kasi binago ko yung dating ako para lang mapalapit sayo pero heto ka nanliligaw na ng iba.

Minsan naisip ko nang magtapat sayo kaso sabi ko di pa yun ang right time kaya ipanagpaliban ko muna...

3rd year tayo nung nanligaw sakin yung tropa mo na si Bry pati si JB. Nakatulong yun para ma divert yung attention ko sa iba pero nagulat ako nung bigla kang nagtext ka sakin. Tanda ko pa nun yung una mong text sabi mo pa nga, "Hello ako si Jay, kaklase mo ko Razie."

As in sobrang saya ko nun naghugas pa ko ng plato nun na di ko naman talaga gawain nagwalis din ako ng buong bahay kahit di naman madumi. Dun ko lang naalala na bakit di nga pala kita nireplayan kaya rereplayan sana kita kaso wala pala akong load. Sobrang nanlumo ako nun ngayon pa, kung kailan may chance na naging malapit tayo tapos biglang mawawala yung chance na yun. Napaiyak na lang ako sa frustration.

Kinabukasan, nun kinausap kita pero di mo ko pinansin. Nainis ako sayo, nagtext ka kagabi pero di ka mamamansin ngayon. What the heck? Tawag ako ng tawag sayo pero pupunta ka lang sakin kapag wala kang assignment o kaya di mo alam ang sagot sa test o quiz e ako sa tanga pinapakopya naman kita.

Nung isang araw may laban kayo ng basketball pero di ka umattend para lang makapanood ka ng laban ng volleyball. Iniisip ko tuloy na baka may mahalaga kang papanuorin at di nga ako nagkamali.

Si Anne, MVP sa volleyball, maganda tsaka matalino. Yun pala ang girlfriend mo. Nakita ko din na suot niya yung binili mong rubbershoes nung pasko.

Takbo ako ng takbo nun wala na kong pakielam kung sino mang mabangga ko ang alam ko lang kailangan ko nang makatakas sa nararamdaman ko nun.

Ang sakit sa pangalawang pagkakataon, nasaktan mo na naman ako. Nagkaron ako ng feeling na pinaasa mo lang ako kahit di naman talaga. Nag-assume lang talaga ako dahil dun sa text mo. Ano pa nga bang ginawa ng tangang tulad ko edi ayun umiyak ng umiyak. Dun ko lang napagtanto, nakakapagod ka din pala...

Kaya simula nun lumayo na ko sayo, siguro masyado kitang napagtuunan ng pansin kahit di mo naman ako napapansin. Nagmukha na kong tanga, na stress pa ko. Bumababa ang mga grades ko simula nung sinaktan kuno mo ako, kaya napagtanto ko kailangan ko nang mag move on. Di talaga tayo para sa isa't isa. Iniisip ko pa lang yung mga nasayang na pagkakataon, nanghihinayang na ko pero suko na ko.

Lapit ako ng lapit sayo pero layo ka ng layo. Andito lang ako pero di mo ko napapansin. Nakaka-leche diba?

Nagising na lang ako isang araw na naka move on na ko. Wala na kong feelings para sayo, di na kita gusto. Kaya ko nang maglakad sa araw araw na di tumitingin sa nakangiti mong mukha. Di ko na kailangang sumunod ng sumunod sayo. Sobrang haba, tatlong taon akong nagkagusto sayo pero sinayang mo. Kasalanan ko rin siguro kasi di ako nagtapat pero siguro hindi naman ako nagkulang para mapansin mo ko diba? Hindi ko na feel ang regrets, siguro dahil di naman kasi nasuklian yung feelings ko. 

4th year tayo nun gumaraduate tayo ng di nagpapansinan gaya ng dati. Di ako nagtapat sayo at di mo rin naman ako pinansin. Mutual lang diba?

Di na ako naiinis sayo, naisip ko ang bata ko pa pala para magmahal ng isang katulad mo. Masyado pang mahaba ang tatahakin ko parang nung minahal lang kita, i'ts a long way to run...

Salamat sa pagiging parte ng buhay ko, next time I wouldn't take love easily.

"Paano pag nagkita kayo ulit? Anong gagawin mo Raze?"

Di ko din alam. Siguro siya naman ang humabol sakin. Hirap manghabol e nakakapagod...

*FIN*

~

First story ko po. Sana nagustuhan niyo. Sorry sa mga naboringan. Tinry ko po talaga yung best ko. Thanks sainyo guys! :) Feel free to vote and comment! :)

Uned

(c) GirlInSummer

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Run [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon