.
.
.
.
.
Matagal tagal narin pala mula nung...
*stop...
*tingin sa bookstore....
tuluyan ko na syang di nakausap.
⭐sudden flashback⭐
Palagi akong nasa bookstore na to noon. Sa branch kasi na ito ay may mga upuan or coffeetables na pwede kang maglagi para magbasa, may mga librong luma na at pwedeng basahin at meron namang bago para bilhin. Yung mga luma ay pwede rin namang mabili..
Naaalala ko nung nakaupo ako sa favorite spot ko na malapit sa bintana, sa tabi nun ay isang set ng chairs at coffeetable. Parati kong nakikitang nakaupo doon ang isang lalaki at sa araw-araw na nandidito ako ay palagi ko siyang pinagmamasdan ng palihim.
Inaamin kong pasikreto akong nagkaroon ng gusto sa lalaking iyon. Alam ko na nga rin ang mga hilig niyang basahin eh.
Nakakatawa nga dahil magkaiba talaga kami ng gusto, Legends and History ang mga tipo niya na siya namang kinaaayawan ko. Minsan narealize o napansin kong yung binabasa niyang libro ay paulit ulit, yun at yun lang, Hindi ko man alam ang title, tanda ko naman yung itsura.
Matagal din kaming nagkakasalubong ng tingin, tapos ngingiti o kaya magtatanguan, mag h-hi o hello, yow at hey, pero bukod dun wala na. Hindi kami naguusap pero kahit na ganon alam ko sa sarili kong palalim ng palalim na yung nararamdaman ko para sa kanya.
⭐⭐⭐⭐⭐
Apat na araw ko siyang hindi nakita sa bookstore, inisip ko nalang na busy sya pero hindi ko talaga alam kung bakit. Pangalan nga nya di ko alam ehh.
Hindi ko rin naman makita sa listahan ng record ng pangalan ng taong madalas pumasok dito dahil di ko nga alam name niya at nahihiya naman akong magtanong.
..........
ika-5 na araw na at hindi ko nanaman siya nakita sa bookstore. Sobra talaga akong nalungkot at nanghinayang hindi lang dahil wala siya, kundi dahil nung araw na yun ay may lakas na ng loob akong kausapin siya at magtapat sa kanya.
Pero wala ehh...
⭐⭐⭐⭐⭐
Sa bookstore na to ay may area na may TV, para siyang lobby na waiting area. Nagpunta ako doon dahil wala naman akong makitang magandang basahin.
host: kamusta naman ho ang pagmamanage ng business nyo?
guest: Ayos lang naman, nasa ayon na ang lahat.
host: ohh I see.. ahh Mr. Lewis ang susunod ko pong tanong ay medyo personal na, ok lang po ba?
ahh so Mr. Lewis pala ang pangalan niya...
Mr. Lewis: hahaha ok lang, sige ano yun?