Si Joseng Dalag ang pinakamalaking isda sa ilog ng Azula. Dahil sa laki niya, takot na takot sa kanya ang maliliit na isda gaya nina Goriong Gurami, Luciong Ayungin, at Dorong Banak.
Sa tuwing kumakain ng mga lumot ang maliliit na isda ay inaagawan niya ng pagkain ang mga ito.
Pinaghahahampas ni Joseng Dalag ang maliliit na isda ng kanyang mga palikpik at buntot. Dahil sa laki niya, walang magawa ang mga ito.
"Hindi n'yo ako makakaya. Sa laki ko lang ay talo na kayo! Alis!" Pagkatapos ay uubusin niya ang mga pagkain. At busog na busog na papasok siya sa kanyang bahay na yari sa putik.
Kaya walang pagpipilian sina Goriong Gurami, Luciong Ayungin, at Dorong Banak kundi pagtiyagaan ang tira-tira ni Joseng Dalag.
Sa tuwing may magandang tanawing makikita ang maliliit na isda, inaari iyon ni Joseng Dalag.
Each time the small fish found a nice place to see, Jose the Mudfish would claim it for himself.
Walang maaaring pumunta roon kung walang pahintulot mula sa kanya.
Minsan ay may malaking baul na nakita ang maliliit na isda. Nang buksan nila ang baul ay tumambad sa kanila ang mga laman nito.
"Magiging magandang tirahan at tulugan ito," sabi ni Goriong Gurami.
"Oo nga, ang ganda," sang-ayon ni Luciong Ayungin.
"At ang daming mga gamit! Ang ganda-ganda! Hindi dapat ito makita ni Joseng Dalag!" bulalas ni Dorong Banak.
Pero nagulat ang maliliit na isda nang makitang dumarating si Joseng Dalag.
"Alis! Alis diyan! Sa akin ito! Huwag na huwag kayong papasok dito, kung hindi ay malilintikan kayo sa akin!" singhal ni Joseng Dalag sa kanila.
Takot na takot na umalis ang maliliit na isda.
Mula noon ay ginawang tirahan ni Joseng Dalag ang baul.
Doon siya kumakain at doon din natutulog tuwing mabubusog siya sa pagkain.
Minsan ay nagising si Joseng Dalag sa ingay ng maliliit na isda. Lumabas siya ng baul. "Hoy! Ang iingay ninyo!" sigaw niya sa maliliit na isda.
Pero natigilan siya sa kanyang nakita. May mga pagkaing lumulutang-lutang. Pinagsasaluhan ang mga pagkain nina Goriong Gurami, Luciong Ayungin, at Dorong Banak.
"Hoy!" singhal niya sa mga isda. "Tabi kayo! Akin iyan!"
Dahil sa takot kay Joseng Dalag, umalis ang maliliit na isda at iniwan ang mga pagkain.
Tuwang tuwa si Joseng Dalag. "He-he, akala n'yo masosolo n'yo ang mga pagkain. Ako ang uubos nito!"
Pinagmasdan niya ang mga pagkain. "Ang gusto ko ay 'yong pinakamalaki at pinakamasarap."
Nakakita siya ng mga bulate na gumagalaw-galaw. "Ito! Ito ang masarap!" Ibinuka ni Joseng Dalag ang kanyang bibig at kinagat ang isa.
Ngunit naramdaman na lang niya na may tumusok sa kanyang bibig. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sakit.
BINABASA MO ANG
Mga Kuwento Ni Kuya Jun - Joseng Dalag (PUBLISHED under Lampara Books)
AdventureChildren's Book