marami akong gustong sabihin pero di ko kaya. kasi kailangan kong maging malakas para mabuhay ako ng normal. kasi kahit na sabihin ko na nasasaktan ako wala nmn silang gagawin. nasasaktan ako dahil nabuhay ako ng naiinggit sa mga classmate kong may nikukwento yungkol sa kanilang mama at papa. kasi ako hindi ko sila nakasamang lumaki. nasasaktan rin ako kapag naisip ko na wala ng chance na mangyari yun kasi may sarisarili na silang buhay. iniisip ko na kapag ba nakita nila na ang anak nilang panganay ay umiyak dahil dito ay may gagawin sila? pero kahit nmn na ummiyak ako wala nmng mangyayari at mas lalong lala ang sitwasyon. nakakaiyak na hindi mo pwedeng ipakita ito sa iba kahit na sa mahal mo sa buhay. yung kaht na gusto mong ipaalam sa kanila ang nararamdaman mo hindi pwede dahil kahit sila hindi ka nila kilala. kailangan lagi kang umoo sa mga sinasabi nila. dapat lagi kang pumunta sa sa tingin nila ay tama. ung tatanungin nila ung desisyon mo pero sila parin ung dapat mong sundin. ung wla silang tiwala sa desisyn mo. ung kailangan na dapat sila ung tumatanggap kung sino ka. na dapat sila ung umintindi sa kanila. hindi ung dahilan para magng hindi ka totoo sa sarili mo. hindi ung dahilan kung bakit ka nasisira.kasi siladapat ang nagpapasaya sayo at ang dapat kilala ka. pero hindi eh sila paung taong bibigyan ka ng sakit na mahirap alisin kasi hindi mo nmn pedeng lagyan lang bandaid. masakit sobra. kasi sila dapat ung unang nakakaalam na namamatay ka na sa sakit na lagi mong dala dala. kaya nga naiingit ako minsan sa mga artista kasi may bayad sa pag arte nila eh ako kailangan kkong gumising ng umaga na suot na angmaskarang masiyahin, matibay at walang pakealam na tao sa paligid nya. na sa llikod nito ay isang iyakin at madaling masaktan na ako. buti pa nga ang mga artista na kakapag ready pa ng oras ako hindi na kasi kailangan ang makikita nila ay ang iba at hindi ako. hindi ako na nasasaktan sa maliit na bagay. hindi ako na mahina. hindi ako na nahihirapan. hindi ako na wasak kasi dapat ang makita nila ay ang ako na kabaligtaran. minsan nga sana naging robot nalang ako para hindi ko ito maramdaman.
YOU ARE READING
dear me
Randommga gusto ko lang sabihin sa iba na hindi ko kaya sinusulat ko nalang.