" ah, magkape ka muna para mainitan ang sikmura mo." salamat at nahimasmasan na rin ako.
" pasensya ka na. inihaw na kamote at talong lang ang meron ako."
kinuha nya ang kapeng tinimpla ko at kumuha rin ng isang maliit na kamote."
"ano nga pala ang pangalan mo?"
" ako nga pala si Jonathan." inulit nya ang pagpapakilala."Sofia, ako si Sofia." yun lang ang nasabi ko. Pero hindi ko talaga mapigilan, gusto ko nang malaman ang sagot sa mga tanong ko.
" Ano ang nangyari sayo?" bigla kong naibulalas.
" Bakit ka duguan?"
" Taga saan ka ba?"
" Paano ka napadpad dito?" hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang mga tanong ko sa kanya.Tahimik lang sya at nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang kanyang iniisip.
" Ah, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin sa mga tinatanong mo."
" pwede bang isa isa lang!" medyo nalilito na sabi nya at hindi alam kung paano mag-uumpisa.
" dyan lang ako sa kabilang baryo." hindi ko alam kung saan banda yung sinasabi nyang baryo.
" bakasyunista , naisipan kong maglakad-lakad to explore the place and enjoy the nature."
" napasarap yata ako sa paglalakad di ko namalayan na napalayo na ako or let me say na naligaw na pala ako."
" Yung dugo sa katawan ko, may humabol sa aking baboy ramo. Buti may nadampot akong bato at ipinukpok ko sa ulo nya. Nagtalsikan yung dugo.
Bigla syang natahimik sandali.
" sa totoo lang, nung isang araw pa ako paikot ikot sa gubat na ito. Sa pagod at gutom ko yata kaya nawalan na ako ng malay."
" maraming salamat nga pala uli."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin . Iniisip ko ang mga pinagdaanan nya at awa ang naramdaman ko.
" Sige, kumain ka na para bumalik ang lakas mo." kumuha pa sya at kumain, halata na nagutom sya talaga.
" Maari ba akong manghiram ng malinis na damit? Baka kasi matakot yung mga taong masasalubong ko pag nakita nilang duguan ang damit ko."
Sabagay tama sya. Ako nga natakot nung nakita ko sya. Pumasok ako at naghanap ng damit na pwede nyang maisuot at iniwan syang kumakain sa mesa.
Habang naghahap ng damit bigla akong napaisip. Iniisip ko yung mga sinabi nya. Ang sabi nya hinabol sya ng baboy ramo. Ibig sabihin naglapit sila ng baboy ramo kasi nagawa nyang mapukpok ng bato sa ulo ang baboy. Pero bakit kahit isang galos man labg ay wala sya. Malinis ang katawan nya maliban sa dugong nakakalat sa damit at katawan nya.