E Kasi Nga Bobo..

1.4K 67 21
                                    

Chapter 1.

"Anong ginagawa mo?"

"Nagbabasa."

"Hindi, alam kong nagbabasa ka, ibig kong sabihin, anong binabasa mo?"

"..."

"Nakakailang libro ka sa isang araw?"

"Ewan. Patigil-tigil ako e."

"E kung kunwari 'di ka patigil-tigil?"

"Depende."

"Depende s'an?"

"Depende kung anong libro."

"E kung kunwari Stephen King na libro?"

"Anong libro ba niya?"

"Ewan ko! Malay ko ba kung anong mga libro niya!"

"..."

"..."

"..."

"Ayaw mong magsulat?"

"Araw-araw naman tayong nagsusulat e."

"Ibig kong sabihin, ayaw mo magsulat ng libro?"

"Pwede."

"Naisip mo ng magsulat ng libro?"

"Hindi pa."

"Kung pasusulatin ka, anong klaseng storya gagawin mo?"

"Di ko alam."

"Tangna mo. Wala kang kwenta kausap kahit kailan!"

"..."

"..."

"..!"

"O? Tapos ka na magbasa?"

"Nagpapahinga lang ng mata."

"Kelangan ba minu-minuto pinapahinga 'yan?"

"Depende."

"Puro ka depende."

"..."

"Eto, may tanong ako sa'yo."

"..."

"Kunwari meron ka na lang twenty-four na oras bago mamatay, ano gagawin mo?"

"..."

"..."

"..."

"Ang tagal mo namang sumagot!"

"I-a-adjust ko 'yung oras na maging late."

"Huh?! Ba't naman?"

"Masyadong maikli yung bente-kwatro oras, 'di pa ko makakapag-isip kung anong pwedeng kong gawin kaya pahahabain ko 'yung oras."

"Pucha, twenty-four nga lang e! TWENTY-POR! 'Di ka nakikinig."

"..."

"Nagugutom na 'ko."

"Bawal kumain dito."

"Alam ko. SInasabi ko lang."

"..."

"Ito na lang. Kunwari may isang milyon ka, anong gagawin mo?"

"Isang milyong ano?"

"Isang milyong piso! Malamang! Katangahan mo na naman."

"..."

"Dali! Sagot na!"

"Ilalagay ko sa wallet."

"Ayaw mo gastusin?"

"Madali mag-isip kung saan ko pwedeng gastusin 'yun."

"O, 'yun naman pala e. E bakit ilalagay mo pa sa wallet mo?"

"Para magkalaman 'yung wallet ko."

"Ang pilosopo mo, gago ka talaga."

"..."

"Ayaw mo ilagay sa bangko?"

"Wala akong bangko."

"E di magbukas ka ng account!"

"Mas madali pag wallet."

"Bakit naman?"

"Madaling mahuhugot."

"Ay, ewan ko sa'yo."

"..."

"..."

"..!"

"O, ambilis naman  ng pahinga mo."

"Para matapos ko na agad 'to."

-THE END-

E Kasi Nga Bobo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon