MHIAMB 3 (Chapter 6)

69.2K 1.1K 865
                                    

Third Person's POV

Walang kaalam-alam si Mikazuki na sinundan sya ni Bullet hanggang park. Nakatago sa bandang likuran ni Mikazuki si Bullet at walang planong magpakita sa kanya. “Ate, ate,” Tawag ng isang batang lalake kay Mikazuki. Bitbit nito ang mga pagkain at inumin na binili at pinabibigay ni Bullet. “May nagpapabigay po nito.” Tinignan sya ng masama ni Mikazuki dahil wala ito sa mood makipag-usap sa kahit na kanino. At mas lalong ayaw nitong tumatanggap ng bigay ng kung sino-sino “Sino naman?” Iritang tanong nito at saka inilibot ang tingin sa paligid para alamin kung sino ang nagbigay.

“Sabi po niya sabihin ko raw po sa inyo kumain na po kayo.” Mas lalong kumunot ang noo nito dahil wala naman syang makitang kung sinuman sa paligid. “Sa'yo na 'yan. O kaya ibalik mo dun sa nagbigay sa'yo.” Asar na sabi nito at saka tumayo sa swing at naglakad palayo. Bullet tailed her quietly hanggang makarating sila sa isang hotel.

Good evening Ma'am, welcome to Kitkatel how may I assist you?” Tanong ng front desk clerk kay Mikazuki. “Good evening, I'd like to stay in your hotel. But can I call my secretary first?” Tanong nito sa front desk clerk na kausap niya habang nakatingin sa desk phone. Bahagyang kumunot ang noo ng front desk clerk dahil sa tinanong ni Mikazuki at napaisip dahil labag sa policy ng hotel ang gusto niyang mangyari.

Napailing na lang si Bullet na nakamasid lang ‘di kalayuan sa kanila. Agad nitong idinial ang number ng secretary niya para utusang tawagan ang secretary ni Mikazuki.

**

Mikazuki's POV

Tinaasan ko ng kilay ang front desk clerk na kausap ko dahil ang tagal niya bago sumagot. “Excuse me, Miss? Matagal ka pa bang mag-iisip?” Iritang tanong ko.

“I'm so sorry po Ma'am pero hindi po kasi pwede ang gusto nyong mangyari. Labag po sa policy ng hotel ang gusto nyong mangyari” Ugh! Tumango na lang ako sa front desk clerk at saka naglakad palayo sa kanya. Wala namang mangyayari kahit ipagpilitan ko ang gusto ko.

Lumabas ako sa hotel at naupo sa hagdan para magpahinga saglit. Kung lalakarin ko mula dito hanggang bahay nila tita Aemie, siguro aabutin ako ng dalawang oras paglalakad. Kung lalakarin ko naman mula dito hanggang Roswell Corporation, siguro isang oras akong maglalakad. At kung lalakarin ko mula dito hanggang bahay, nasa isang oras din siguro ang layo.

“Psh! Nakakainis kasi si Bullet eh!” Tapos tignan mo pa ang ugali, wala man lang ba sya talagang pagpapahalaga sa mga magulang niya? Bakit ba ang cold-hearted nya?!

Nangalumbaba ako at pinagmasdan ang mga taong naglalakad. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa mga taong nagmamadaling umuwi, mga taong nakikipaglandian sa gitna ng kalye, mga estudyanteng kasama ang barkada at mukhang maglalakwatsa pa, at iba't-ibang uri pa ng taong dumadaan sa harap ko.

“Ms. Yagami?” I shifted my look when I heard a familiar voice of a female. “Emily?! Damn! You're such a blessing. Bakit ka nandito?” Halos mapatalon ako sa tuwa nung makita ko ang secretary ko. “May biglaan po kasing trabaho, kaya nagmadali po akong pumunta dito. May kailangan po kasi akong interviewhin na tao. Kayo po Ma'am bakit po kayo nandito?” Tanong niya sa'kin.

“Mahabang kwento, but may ATM ka ba dyan saka phone? Paki-tawagan naman ang accountant ko. Kailangan ko ng cash para makapag-check in dito sa hotel.” I said.

**

“Sure po ba kayong okay na kayo dito?” Tanong ni Emily. “Yes, yes. Thank you” I answered, pagkakuha ko sa kanya ng mga pinabili kong cellphone at damit. Pinakuha ko rin sa kanya ang isang attache case na nasa bahay. Naglalaman ito ng isang kalibre 45 na baril. “Ito po pala 'yung susi ng kotse. Sabihan nyo na lang po ako kapag may kailangan pa kayo. Tutuloy na po ako Ms. Yagami.”

My Husband is a Mafia Boss (Missing Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon