Bitter pa rin ako. Hindi pa rin ako nakakapag move-on. Masakit parin.
I don't know how to take the pain away. I don't know how to lighten the scar that was left within me. I don't know how to move on.
Masakit.....Sobrang sakit.
How am I going to remove this scar?
Naglalakad si Lorraine Montero patungo sa bahay ng kaniyang kasintahang si Tyrone upang sorpresahin ito dahil ngayon ang 2nd anniversary nila. Mayroon siyang dalang cake na siya mismo ang nag-bake at nakaguhit sa kaniyang mukha ang matamis na ngiti habang papalapit sa tirahan nito.
Kumatok siya sa pinto na agad namang binuksan ni Tyrone. Nang makita nila ang isa't-isa, tinawid ni Tyrone ang distansya sa pagitan nila at mahigpit na niyakap si Lorraine.
"I miss you" mahinang usal ng binata.
"I miss you, too" ngumiti si Lorraine saka niyakap muli ang binata, "Happy Anniversary" masayang tugon ni Lorraine.
Itinaas nito ang hawak niyang homemade cake at kitang-kita ang saya sa kaniyang mga mata.
"Oh Lorraine, hindi mo naman kailangang gawin to eh" nag-aalalang sabi ni Tyrone. Hindi kasi ito sanay nasu-surpresa.
"Naku Tyrone, mahal kita kaya ko ito ginagawa sa'yo"
Napangiti si Tyrone sa sinabi ng dalaga.
"I love you more, Lorraine" masayang sabi nito saka hinalikan sa noo ang kasintahan.
Pumasok sila sa loob ng bahay ni Tyrone at masayang nagkwentuhan habang kinakain ang cake na dala ni Lorraine.
Sa kalagitnaan ng kanilang matamis na pag-uusap, mayroong maliit na kahon na inilabas si Tyrone mula sa kaniyang bulsa at masayang ipinakita ito kay Lorraine.
"A-ano yan?" tanong ng dalaga.
Binuksan ni Tyrone ang maliit na kahon na hawak niya. Ang laman nito ay isang makinang na kwintas na hugis puso.
"T-Tyrone, thank you" halos pabulong na sabi ni Lorraine dahil hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya.
Ngumiti lamang si Tyrone saka ipinasuot ang kwintas kay Lorraine. Nang itaas niya ang buhok ng kasintahan, napansin niyang mayroon pala itong peklat sa kaniyang batok. Hindi niya iyon pinansin bagkus isinuot na niya ang kwintas sa leeg ni Lorraine.
"I love you, Lorraine....forever" niyakap niya mula sa likod ang dalaga.
Makaraan ang ilang minuto ay biglang may naalala si Tyrone.
Hindi niya maaaring ibigin pa si Lorraine. Kailangan na niya itong iwan.
Dahil kung hindi ay mas magiging malala ang sitwasyon nilang dalawa.
Ngunit paano? Kung ganoon sila kasaya kung kasama nila ang isa't-isa?
Naisip ni Tyrone na kung hindi niya iyon gagawin ngayon mismo ay baka hindi na niya ito magawa pa.
Malungkot na humiwalay sa yakap si Tyrone atsaka hinarap si Lorraine.
"Tyrone? Bakit?" nag-aalalang tanong ng dalaga sakaniya.
Huminga ng malalim si Tyrone, pinigilan niya ang kaniyang mga luha upang hindi ito tumulo.
"Lorraine, I'm sorry" mahinang sambit nito.
"Sorry for what?" nag-aalala parin ang dalaga. Kapagkuwa'y nakaramdam na ito ng matinding kaba sa kaniyang dibdib.
"I...I...I'm breaking up with you" hindi magawang tumingin ni Tyrone sa mga mata ni Lorraine dahil labag sa kalooban niya ang makipaghiwalay sa dalaga.
"W-what?" nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ni Lorraine.
"I'm sorry Lorraine, I really am. Please don't cry" hinawakan ni Tyrone ang mga balikat ni Lorraine saka nito pinunasan ang mga luha ng dalaga.
"Bawiin mo muna yung sinabi mo kanina" matigas na sabi ni Lorraine.
"I..I can't Lorraine, I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry" niyakap niya ang humahagulgol na si Lorraine. Pati si Tyrone ay umiyak na rin ngunit hindi niya hinayaang makita siya ni Lorraine na lumuluha kaya agad niyang pinunasan ang mga luha niya.
"Bawiin mo yung sinabi mo, Tyrone. Sabihin mong joke lang yun. Sabihin mong mahal mo'ko. Sabihin mo na hinding-hindi mo ako iiwan kahit na anong mangyare. Sabihin mo yun Tyrone, sabihin mo!" sigaw ni Lorraine sakaniya. Hindi niya magawang tumingin sa dalaga dahil masakit, sobrang sakit.
Minabuti ni Tyrone na hindi sagutin ang dalaga dahil pakiramdam niya ay iyon ang tama kahit labag sa kaniyang kalooban. Gustuhin man niyang bawiin ang sinabi niya ngunit pinipigilan niya ang sarili niya na gawin iyon.
Dahil hindi siya sinagot ni Tyrone, tumayo si Lorraine at pilit na nagpunas ng luha.
"Fine. This is it then" sabi ni Lorraine.
Hindi parin sumasagot si Tyrone. Ni isang sulyap ay hindi niya makayanang gawin.
"Thank you for breaking my heart" tumalikod na si Lorraine atsaka naglakad palayo.
Hindi na napigilan ni Tyrone ang kaniyang pag-iyak. Tahimik siyang humagulgol habang nakatingin kay Lorraine na naglalakad palayo. Iyon ang pinakamapait na desisyon na ginawa niya.
"Lorraine, mahal na mahal na mahal kita....habangbuhay" bulong ni Tyrone saka napaluhod.
