I
I watched silently as she walks down the aisle. Akala ko kaya kong balewalain pero hindi pala. Kahit na masaya ako para sa kanya, mabigat pa rin sa pakiramdam.
Masakit.
Aaminin ko, masama man pero up to the last minute, umasa akong magbabago ang isip nya kanina nung nadoon pa kami sa hotel bago ang kasal nila.
Naalala ko pa nung nagdesisyon syang umalis at hiwalayan ang lalaking yun, kahit na buntis sya noon, aaminin kong natuwa ako. Kabaliwan man para sa iba pero kaya kong tanggapin ang mga bata para sa kanya.
Pero alam kong malabong mangyari 'yon, kahit kasi anong pilit nyang itago ang lungkot, kitang-kita ko pa rin sa mga mata nya. At sa tagal naming magkaibigan, ngayon ko lang sya nakita na ganito katagal na malungkot.
"La, may ipapabili ka ba sa Manila? Babalik ako dito next week," tanong ko sa kanya nang mapansin kong malalim na naman ang iniisip nya habang nakatingin sa dagat.
Tumango s'ya, "may listahan ako, ibibigay ko sa'yo bago ka umalis," mahinang sagot nya.
"Malayo na naman 'yang tingin mo. Alam mo namang hindi makakabuti sa'yo ang masyadong pag-iisip. Bawal kang malungkot," malambing na sabi ko pagkaupo sa tabi nya.
"Bakit naman ako malulungkot? Ilang buwan mula ngayon, may parating akong mga regalo 'di ba?" Mahinang sabi nya kasabay ng pilit na ngiti. "Bakit ako malulungkot kung lagi kayong nandyan para sa'kin?" Malungkot na sabi nya pa tapos umiyak na sya. "Wala akong karapatang malungkot kasi sobrang swerte ko na maraming nagmamahal at nag-aalaga sa amin ng mga anak ko. Wala akong karapatang malungkot kasi desisyon ko ito 'di ba?" Patuloy nya habang humihikbi, "kaya dapat panindigan ko. Kaya ko naman 'to 'di ba, Ry?"
Inakbayan ko sya, "oo naman, kayang-kaya mo yan at lagi lang kaming nandito. Kaya tahan na, sige ka baka pumangit 'yang mga anak mo kakaiyak mo d'yan," pabirong bulong ko kaya natawa sya.
Kahit na ayaw nyang aminin, alam kong ang lalaking 'yon pa rin ang makakapagpabalik ng saya sa mga mata nya. Mga matang sumasaya panandalian tuwing mga anak nya ang pinag-uusapan namin at ang araw ng pagdating nila.
Mga matang minahal ko na yata nung una ko pa lang nakita.
----
I've decided to make this blog because I need to somehow express how I feel. Don't get me wrong, I do have friends. It's just that I don't wanna complicate things. Most of my friends are her friends as well.
And sometimes some things are better left unsaid.
----
Blog Entry #1 Should I Write A Song? (Posted via mobile)
I'm always lost with these signs, when all I need is you to be here.
Runnin' in my head all day but where will it lead us dear?
What else can I say? I write words each day.
I am not really spontaneous, so let me read your letter for the day. Please stay.
What we have may never last, atleast not in this lifetime.
I want you near everytime, to hold your hand like old brand wine.
For all I know, you and I together will be better.
04302014
BINABASA MO ANG
Withered Lines
RomanceBlog entries by JRC and edited by yours truly to fit the story.