Mother and Daughter
Sa panahon ngayon, masasabi ko na kakaunti o bihira na lang ang magnanay na malapit sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganon. Sino ba ang may kasalanan? Ang nanay ba o ang anak?
May mga nanay na sobra kung ipadama ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng paglalambing, pakikipagkwentuhan, o sa madaling salita, sa pakikipagbonding.
May mga anak na sobra din ang pagmamahal sa kanilang mga ina, na naipaparating nila yung pagmamahal nila sa pamamagitan ng paglalambing, pagrespeto, o sa simpleng pakikipagkwentuhan lang.
May mga nanay din naman na naipapadama lang nila yung pagmamahal nila sa anak nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kailangan nila. May mga ganun na nanay. Yung hindi sila gaanong showy sa mga anak nila, kumbaga hindi sila malambing sa mga anak nila.
May mga anak din naman na hindi gaanong malapit sa kanilang mga ina. Dahil siguro busy ang kanilang mga ina, o sadyang hindi lang sila sanay na makipagbonding sa kanilang mga ina. Sila din yung mahilig magsarili, o hindi nagkukwento sa kanilang mga ina.
Pero bakit nga kaya may mga mag-ina na hindi magkasundo? Kumbaga away bati.
Mahirap maging isang ina, pero mahirap din maging isang anak.
Mahirap maging ina dahil sa ilang buwan pa lamang na dalhin ang sanggol sa kanilang mga tiyan, ay talaga namang mahirap na. Mahirap maglabor ng ilang oras. Mahirap din umiri kung kinakailangan. Hindi lang mahirap, kundi masakit pa. Pero pag nailuwal na naman nila ang kanilang anak, nawawala raw lahat ng sakit at hirap na dinanas nila. Hindi pa diyan natatapos ang hirap ng isang ina, kailangan pa nilang palakihin ang kanilang anak. Mahirap magpalaki ng isang bata. Lalo ng kung makulit at pasaway ang bata. Hindi ko pala nabanggit na mahirap din mapuyat para lang ipagtimpla ng gatas ang kanilang anak. Sa oras naman na malaki na ang kanilang mga anak, kailangan na nila itong pangaralan ng mabuti. Bukod pa yung pangaral nung bata pa. Mas madami pangaral ang isang ina kapag ang anak nila ay dalaga o binata na. Kailangan nila itong ilayo sa masasamang gawain tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, at syempre sa pagdadrugs. May mga nanay na hinahayaan lang na magkaroon ng karelasyon ang kanilang mga anak, meron din namang hindi. Magkakaiba nga kasi ang mga nanay. May mga nanay na sobrang higpit, meron naman yung tama lang. Pero kahit na anong uri pa ng ina ang mayroon ka, dapat ka pa ring magpasalamat. Dahil kung di dahil sa kanya, wala ka ngayon sa kinakatayuan mo. Hindi naman makakabuo mag-isa ang ama mo diba? Swerte ka sa kanila. Dahil kundi dahil sa ina at ama mo, wala ka.
BINABASA MO ANG
Mother and Daughter
RandomRead if you want to realize something :) not yet complete, wait for me to continue this ;)