Mother and Daughter II

81 1 0
                                    

Note: Before you read this, kindly read the first part first :)

--------------------------------------------------------------

Mahirap naman maging anak dahil kailangang sundin mo ang sasabihin ng iyong ina o ama. Mahirap lalo na kung ang ipinapagawa nila sayo ay salungat sa gusto mo o sa ikakasaya mo. Minsan naiisip nating mga anak na bakit ganun, bakit parang ayaw nila na maging masaya tayo.

Mali yung naiisip natin na yun. Dahil ang totoo, ginagabayan lang nila tayo. Ayaw nila na mapahamak tayo. Kasi nga mas matanda sila kaya alam na nila yung mga dapat iwasan. Hindi sa ayaw nilang sumaya tayo, gusto lang nila na sumaya tayo sa paraan na hindi sila nilalabag.

May mga bagay kasi na nagpapasaya sa atin, na hindi natin alam eh sinusuway na pala natin ang ating mga ina o ama. Katulad na lamang ng pagtakas para lamang makasama sa barkada. Dahil dun nakakapagsinungaling tayo sa kanila.

Bakit nga ba maraming kabataan ang tumatakas para lamang makagala? Dahil siguro alam na nilang hindi sila papayagan ng kanilang mga ina o ama. Hindi man lamang natin naisip na, habang tayo nagpapakasaya sa galaan, may mga taong nag-aalala sa atin.

Mali din sila, kasi kung pinapayagan nila tayong gumala, hindi tayo tatakas. Pero mali din tayong mga anak, kasi alam na nga natin na bawal, pinipilit pa rin natin.

Binabawalan nila tayo sa mga ganung bagay, dahil nga bata pa, kalimitan naman babae ang parating pinagbabawalan ehh. Kasi nga, babae. Mahirap na, lalo sa panahon ngayon, marami ng sira-uro na nagkalat. Kaya natatakot lang ang mga ina na baka may masamang mangyari sa kanilang mga anak pag nasa galaan.

Para sa atin, mahirap silang sundin. Kasi nga mas pinapakinggan natin ang ating mga kaibigan. Minsan nasasabihan pa ng ating mga ina na masamang impluwensya raw ang ating mga kaibigan.

Hindi natin masasabing masamang impluwensya ang ating mga kaibigan, dahil aminin man natin o hindi, minsan, tayo pa ang pasimuno. Hahaha. Tama ako diba? Minsan tayo pa ang nagyayaya sa kung saan-saan.

Masarap magkaroon ng maraming kaibigan. Pero dapat matuto tayong mamili ng kakaibiganin. May mga kaibigan kasi na akala mo lata, plastic pala.

Wala namang masama sa pakikipag kaibigan ehh. basta alam mo yung limitasyon mo. Para sa huli, huwag tayong magsisi.

Mother and DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon