Prologue
Paano kung may biglang magsabi sayo na mahal ka nya out of the blue? anong magiging reaksyon mo?
Matutuwa?
Magtataka?
Magagalit?
Maglulupasay?
Matatae ?
Ehh paano kung yung taong yun pala eh yung matagal mo nang inaasam na magsabi sayo nun? aisxt ang gulo noh??
BAHALA NA NGA.
(a/n:) Hi readers! sana magustuhan nyo tong kwento ko :) elebyew. Enjoy!
Chapter One
Meet Xay
Xay's POV
~-I'm bulletproof nothing to loose, fire away fire away. Ricochet you take your aim fire away fire away. You shoo-- [alarm yan]
"Hoy babae, gumising kana djan! Lunes na Lunes aba wala ka bang balak pumasok? Hala bumangon kana djan"
"Ma naman eh, ang aga aga pa po. Hindi naman po ako ang may dala ng susi ng school eh -,- five minutes pa"
"Anung five minutes five minutes ka djan, bumangon ka na djan bata ka at malelate ka naaaaa!" naghihysterical na si Mama. Hayz no choice kundi bumangon na.
"Opo eto na babangon na po" pupungas pungas pa ko habang papunta sa banyo para maligo. May pasok na naman -,-
I'm Xavier Neecowl Reyes. Siguro nagtataka kayo sa pangalan ko noh? well ako rin naman eh nagtataka. Ewan ko ba kela Mama kung bakit ganun ipinangalan nila sakin. Unique daw ako eh. I'm a fourth year student at Calderwood Academy.
"Xay! antagal mo naman djan, halika na at kakain na!" ok si Mama talaga kahit kelan time concious.
"Opo andjan na"
*Kainan na*
"Anak, mag iingat ka ha, wag patanga tanga sa school, AT bawal ang lumande" grabe tong si Mama napaka supportive eh noh. -,-
Calderwood Academy
Wala namang pinagbago. Same old school. Kahit yata gugulin mo ang isang araw mo eh hindi mo malilibot ang buong school. May sariling soccer field, olympic sized swimming pools, tennis court, badminton, basketball, volleyball court lahat na yata ng court nandito. Kulang nalang court of appeals eh -,- haha. Is short, pang rich kids ang school namen.
"Xay! Xay, kamusta ka naaaaa? Miss na miss na kita! huhuhu si Airah yan, best friend ko. Imba rin ang isang to, akala mo naman hindi kame nagkikita eh nasa iisang subdivision lang naman kame.
"OA mo Kennairah Rodriguez! parang di tayo laging magkasama ah? lagi ka ngang nasamin nung bakasyon ee -,- haynako."
"Hahah' anubeyen :3 hindi mo naappreciate yung acting ko :3. Ay nga pala! may napili ka na bang sasalihang club? Drama club ako."
"Kelangan pa ba yun? taon taon nalang pinoproblema ko yang pagsali sali sa mga club na yan. Bahala na nga, kung san isolated, dun ako."
"Haynako Xay, umiral na naman yang pagka anti- social mo. Itigil mo nga yan. kaya NBSB ka ee -,-. Okay, ipinagdiinan na naman nya yung bagay na yun -_____-"
"Tara na nga lang sa rum. Magkaklase naman tayo ee."
At pagdating namin sa room, nagkakagulo na yung iba naming klasmeyt, sanay nako djan. Pinili ko nalang umupo dun sa pinakadulong row sa may bintana. Gusto ko kasi laging nagsasight seeing. AT para na rin masulyapan ko ang aking ultimate kras. Si James Mervin Folkner.
Lumipas ang isang buong araw na puro pagpapakilala lang ang naganap. Nakakasawa na ngae. Buti nalang at uwian na. :) At habaang iniintay ko ang dundo ko, may biglang dumaang kotse sa harapan ko. At natalsikan lang naman ako ng putik sa mukha. What a way to end my day. Kaazurr. -_____-
-----------------------------------------------------------------------------------------------
JM's POV
"Young master, gumising na po kayo, late na po kayo sa school nyo". Si Mr. Bernards yan, buttler namin. Ewan ko ba kung bakit kelangan ko pang pumasok eh kahit naman hindi ako mag aral eh hindi ako mahihirapan. Were rich. Filthy RICH.
"Young master" naka megaphone ba sya? anlakas ng boses eh, nakakarinde -,-
"Wag kang magsisigaw djan, kung ayaw mong mawalan ng trabaho!" nakakainis kase, ansarap sarap ng tulog ko tapos.. aissh.
May pasok na naman. Isa sa mga panahong ayaw na ayaw ko. Banaman walang oras na hindi ako ginugulo nung mga tao sa school. Ano bang magagawa ko, eh ako si James Mervin Folkner. One of the most eligible bachelors sa bansa.Enough of my life. Papasok nako.
As expected. Hindi pa ko nakakapag park ng kotse ko eh nagkakagulo na ang mga tao sa labas -_____- Tsk. Nakakainis yung ganito, masyado silang mga scene maker. At paglabas ko ayun..
"Gosh! ang gwapo nya talaga, I'm gonna marry him naaa!" sabi nung isang babaeng naka microminiskirt.
"Oh my ghaaad! James Mervin Folkner aylabyuuu" sigaw naman nung katabi nya.
Nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa classroom namen. Masyadong nakakairita ang mga tao dito sa labas. Pagdating ko sa room, ayan na naman yung tilian nila. Nakakainis.
Wala namang nangyari sa first day. puro pagpapakilala lang ang naganap. Kaurat ngae. dina lang dapat ako pumasok ngayon.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Bahala Na Nga
HumorIkaw na ang bahalang tumuklas kung tungkol saan ang kwentong ito.