"Akala mo ang ganda mo!"
Sinong hindi maiirita kapag ganyan ang sinabi sayo ng crush mo.
Ugh. Maiinis ka ba o kikiligin pa rin?
Miss Author: At dahil inspired ako gumawa ng kwento. Eto na.
---
Akala mo ang ganda mo!
Akala mo ang ganda mo!
Akala mo ang ganda mo!
Waaah. Paulit ulit yan sa isipan ko. Nakakasar na.
Nakakainis. Lagi na lang yan sinasabi niya sakin.
Wednesday.
Good mood ako lagi pag wednesday. Ewan ko kung bakit?
Pagpasok ko sa room.
Pumwesto ako sa likod. Lahat sila nakatingin sakin.
Hindi sa pagmamayabang. Namangha siguro sa kagandahan ko.
Ganyan sila lagi. Namamangha sakin.
May tumawag sakin sa harap. Si Alex. She's one of my friend. Ang swerte niya.
"Hannah!" pangalan ko yan.
Tumingin lang ako sakanya.
At tila may sasabihin, pinapalapit ako sa kanya.
"Ikaw may sasabihin ikaw lumapit" pagtataray ko sakanya.
Lumapit naman siya sakin.
"Pa autograph daw yung kapatid ko. Fan na fan mo siya" nakangiti niyang sabi.
Pinirmahan ko naman yung papel na binigay niya.
At umalis na siya.
"Akala mo ang ganda mo!" sigaw nung lalaki sa bandang kanan ko.
Nilingon ko kung sino ang sumigaw na yun. Tatarayan ko na sana.
Kaya lang. Si Ivan. Si Ivan yung sumigaw na yun. First time. First time nya kong sigawan.
Magtatanong pa ba kayo? Oo. Siya nga yung crush ko. Ang ultimate crush ko since first year.
MyGahd Hannah!
Tinaasan ko lang siya ng dalawa kong kilay. Wala eh. Wala akong masabi eh.